Chapter Thirty five

533 10 8
                                    

Downfall

"Congratulations, You are three weeks pregnant," the doctor announced that made me stilled and can't utter any single word.

I am what? Pregnant?

"Can I talk to you Mr. Monroe? I'll give you the vitamins you need to buy and some tips," muling sabi ng doktor.

Tumango si Ziverus bago tumayo. Buong akala ko ay susunod na siya palabas ngunit lumapit muna siya sa akin.

"Congrats, Elle. I'm going out for a minute, don't do anything that can harm you and the baby. Nandiyan sa drawer ang cellphone mo.. kung gusto mo lang naman tawagan ang asawa mo.." aniya bago ngumiti at ginulo ang buhok ko.

Matapos ng paalala niya ay sumunod na siya sa doktor sa labas. Inilubog ko naman ang ulo sa unan at natulala na lamang sa kisame. I am pregnant. May bata sa sinapupunan ko. Magiging nanay na ako at magiging tatay naman na si Dae. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon ngayon. Natutuwa dahil may pamilya na ako. Naeexcite sa baby namin ni Dae. May halong kaba na baka hindi ako maging mabuting ina sa magiging anak namin.

Bumuntong-hininga ako bago marahang hinawakan ang tiyan ko. I can't feel anything yet but deep inside my heart, I feel a strong connection while touching my stomach. I can feel him even he's not form yet.

Pinunasan ko ang luha na kanina pa tumutulo dahil sa tuwa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging nanay na ako. I've dreamt to have a happy family with Dae but I know, our jobs aren't stable yet pero kung nandito na, tatanggapin ko ito ng buo. Wala pa nga siya, mahal na mahal ko na ang anak ko.

Marahan akong umupo at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Nilingon ko ang bedside tabl at marahang inabot ang drawer sa ibaba no'n. Nakita ko naman agad ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at muling isinara ang drawer.

I opened my contacts and search for Dae's name. Napahinto ako sa pagdial ng number niya. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Alam kong matagal na niyang gustong magkaanak kami pero hindi ba siya mabibigla na ngayon pang nasa malayo siya? I sighed before clicking his number.

He immediately picked it up. "Hi, Hon? How are you? You still mad?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Sasabihin ko na ba agad sa kaniya? Kinagat ko ang labi ko bago nakayanang magsalita. "H-Hi..."

"What happened? Last day ko na dito. Pauwi na ako dyan. Are you still mad at me?" muli niyang tanong.

"I'm not mad at you.." bulong ko at muling bumuntong-hininga. "Are you still wanna have a child with me?"

"Of course. Dati ko pang gustong mangyari ang magkaanak tao, hindi ba? Hinihintay lang kita.." aniya.

May kung anong matulis na bagay ang naalis sa dibdib ko. He wants a child with me.

"D-Dae.." tawag ko sa kaniya kahit alam kong nakikinig siya. "I'm pregnant.."

Natahimik kaming dalawa. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malalim niyang paghinga at ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako lalo na't ilang segundo na at wala pa rin siyang sagot.

"Fuck," he cursed. Tila nawawalan siya ng hininga sa paraan nang pagsasalita niya. "You're pregnant?"

"Yes," sagot ko. "I know it's too early. Alam kong kahit gusto mong magkaanak, hindi naman natin gusto--"

"I'm going to be a dad?" I heard his sobs. "My wife is pregnant! Going to have a little she or he!" he shouted and I heard a praises in his background.

"Dae.." Naiiyak na ako dahil sa kaba pero ganito naman pala ang reaksyon niya.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon