Chapter Twenty seven

595 19 12
                                    

Hug

I woke up early to prepare for the opening. Alas-diyes and opening ng cafe at kailangan ko pang tingnan ang cafe bago iyon magsimula. I bath myself and wear my beige tee-shirt partnered with my skirt. Babaunin ko na lang ang brown na jumpsuit ko at sa banyo na lang ng cafe magbibihis.

Pagkarating doon ay nadatnan ko si Clarissa na nagwawalis sa loob ng cafe. "Good morning, Ma'am!"

Tumango ako at ngumiti. Nilibot ko ang buong cafe upang tingnan kung mayroon bang kailangan ayusin pero siguo sa tagal nang paghahanda namin ay maayos naman na ang lahat. Sa huli ay pinagtimpla ako ni Clarissa ng kape at hinandaan ng tinapay habang nasa harapan ako ng aking laptop.

I was checking my notification when Dae popped inside of my mind. Kagabi ay sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Even my parents won't answer my call kahit alam ko naman na pupunta sina Mama at Papa dito. Kay Dae lang talaga ako nag-aalala. Noong isang araw pa ako walang natatanggap na message mula sa kaniya. kahit naman busy siya ay nagtetext siya sa akin ng mga greetings at mga paalala.

I mean, it's fine if he will not come today. I am just worried about him. I miss him.

The time passes by and its already nine in the morning. Kinabit na rin namin ni Clarissa ang kulay asul na ribbon sa harap ng pinto ng cafe. Mamaya pang alas-diyes ang opening pero may mga maagang dumating at nanatili sa kotse nila. I offered them drinks but they refused so I let them wait.

Habang palapit nang palapit ang alas-diyes ay lalong dumadami ang dumarating kaya lalo lang akong kinabahan. Marami akong branches at lahat ng iyon ay may opening celebration pero ito ang pinakamaraming pumunta. Siguro ay first time ito na may cafe na itinayo kaya marami ang bumibisita.

The clock striked at 10 and we gathered infront of the cafe. Hawak-hawak ko ang gunting habang si Clarissa at ang assistant head ay nasalikod niya. Ngumiti ako sa lahat ng tao na dumalo.

"Thank you for coming today! I'm so grateful that you all come here forr my cafe opening. All of the foods will be free so you don't need to pay for it," I said. Inihanda ko ang gunting at inilapit sa ribbon. "Welome to my cafe, Coffee cup!"

I cut the ribbon and threw it somewhere. Lahat sila ay nagpalakpakan kaya't nagpasalamat ako sa lahat. Hinayaan ko silang pumasok sa loob habang gina-guide sila ni Clarissa at ng iba pang waiter.

"Congratulations, hija. Ang ganda ng cafe mo," bati ni Mrs. Choi, business friend nina Papa.

"Thank you po. Please, enjoy your stay!" Inalalayan ko sila sa isa sa mga lamesa at sinabi na p'wede na silang mag-order.

"Ma'am! Ang ganda po pala ng cafe ninyo!" bati ni Renz, kasama ang ibang katrabaho.

Ngumiti ako bago sinamahan sila sa isang lamesa. "Hindi naman masyado. SImple lang naman ang disenyo nito." Ibinigay ko sa kanila ang menu ng mga drinks at pastries namin. "Order kayo ng kahit na ano."

"Salamat, Ma'am! Lubos-lubusin na namin kasi libre!" ani Clarence.

"inimbitahan ko si Engineer Z, Ma'am. Mali-late siguro iyon dahil may meeting pa siya ssa isang kliyente," ani noong isa sa kasama nila nasa pagkakatanda ko ay si Joe.

"That's fine. Hanggang alas-dose pa naman ang event so no need to worry. Maasikaso pa rin naman siya mamaya."

Matapos ng maiksing paguusap ay nagpaalam na ako sa kanila dahil nakita ko sa labas sina Kataleya. I waved at her and she smiled at me.

SInalubong ko siya na kasama ang parents niya. "Good morning, Kat! Good morning po, Tita! Pasok kayo!" I greeted and guide them inside of my cafe.

"Ang ganda dito, hija. Kahit naapunta na kami sa branch mo sa Laguna ay iba pa rin pala dito sa Albay. Mas simple," ani Tita.

Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon