I'm sorry
Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Umiwas din ako ng tingin sa kaniya. Kung hindi siguro kami nasa public park ay siguro katahimikan ang bumablot sa amin. Tumayo siya kaya agad akong napatingala sa kaniya. Agad niya rin akong tiningnan bago inilahad ang kamay sa akin.
"What?" I asked, confused by him offering his hand.
"Tayo ka. Kasama ko 'yung ibang kabatch natin at panigurado ay gusto ka nila ulit makita," he said as he continue offering his hand.
I stared at him before slowly accepting his hand. He helped me stand and we walked together towards somewhere (I don't really know where it is). Nasa likod niya ako habang palapit kami sa kumpol ng tao na sa tingin ko ay iyong "kabatch" namin.
"Hermes! Ang tagal mo namang bumili ng yelo!" reklamo nung isang babae.
"Ikaw naman, babe. Namiss mo agad ako," malokong ani ni Hermes.
Napangiti ako nang binato siya nung babae ng isang pack ng biscuit. "Babe mo, mukha mo! Laos ka na kaya wala ka nang nalalandi!"
"Sakit mo naman, babe. Kaya nga nilalandi kita eh kas wala na akong nilalanding iba tapos ganito pa ang isusukli mo sa akin?" madrama pang sabi ni Hermes at bahagya pang hinawakan ang dibdb niya, animo'y nasasaktan. "By the way, we have a guess here," dagdag niya bago umalis sa harap ko sanhi upang makita ako ng lahat.
"What the fuck?! Elle?" one of the girl said in total shock.
"Is this for real? We all thought that you and Devon make tanan-tanan after graduation," ani pa ng isang babae.
"I'm sorry but I can't remember all of you," I said, feeling embarassed because of my condition.
"Ah fuck, I almost forgot. She don't remember anything," pageexplain ni Hermes sa lahat.
"I had an amnesia and I don't remember anyone from my past so I'm sorry if I did something bad in the past." Ngumiti ako sa kanila pero wala silang sinabi, bagkus pa nga ay lumapit silang lahat sa akin at niyakap ako.
"Hoy, Jonathan! Hindi mo naman naging kaklase si Elle! Tsansing ka lang ah?" bulyaw ni Hermes doon sa isang lalaking nakikiyakap din sa amin.
"Nadala lang ng emosyon, bro," ani nito bago dumistansya sa amin.
"Sus, dahilan ka pa! Ako naman ang yayakap, lumayas kayo!" sabi ni Hermes at pinagtutulak ang mga taong nakayakap sa akin bago niya ako niyakap. "Kawawa naman si Ziv kapag nalaman no'n na may asawa ka na. Sasamahan ko na lang siya uminom kung sakaling malaan niya," malungkot na bulong nito sa akin.
Hindi ko siya inimik. Maya-maya pa ay bumitaw na siya at inaya ako patungo roon sa mesa kung saan may mga pagkain na nakahanda.
"Kain ka, Elle." Inabot sa akin nung isang babae ang plato na may lamang kanin at dalawang klase ng ulam na hindi ako masyadong pamilyar.
"Salamat," bulong ko bago tinanggap ang plato.
"Hindi ko sure kung nakuweto na sa'yo 'to ni Hermes pero alam mo na bang muntik ng hindi makapasa sa entrance exam si Ziv?" biglaang pagkukwento niya. "Naalala ko pa no'n na sinabi ng kaibigan ko na ayaw daw ni Ziv na pumasok sa college hangga't hindi ka nahahanap."
Tumango ako. Hindi man gusto na pag-usapan ang naging buhay ng ibang tao ay hindi ko mapigilan na alamin kung sino ba talaga ang Ziv na iyon. May kung anong parte sa akin na kuryoso sa taong iyon.
"Hindi ko alam kung natauhan ba siya o ano pero nung nagtake siya, nakapasa siya at nakakuha pa ng scholarship sa ibang bansa pero hindi niya rin tinanggap. Gusto niyang sa Manila mag-aral para raw mas marami siyang maging connections sa paghahanap sa'yo. In the end, naging summa cum laude siya pero dito niya piniling magtrabaho."
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...