"Pagpasensiyahan mo na, Dae. Hindi na kita kayang pag-aralin sa kolehiyo. Ang hirap ng kita ngayon," paghingi ng tawad ni Tatay.
Sa totoo niyan, naaawa na rin ako sa kalagayahan namin. Simula noong nawala si inay dahil sa sakit sa puso, naging mahirap sa amin ang buhay. Kung noon ay dalawa pa kaming kaya ni Tatay magtrabaho, ngayon ay naging mahirap na. Ako na parati ang nakatoka sa pagbabantay ng bahay habang nagpatuloy si Itay sa pagiging taxi driver.
"Ito mga libro. Nabili ko diyan sa may Junk shop, pagtiisan na muna natin. Mahal kung sa mismong bookstore pa tayo bumili." Iniabot sa akin ni Tatay ang limang librong medyo marumi na.
"Ayos na ito, itay. Meron na nga po pala tayong mga porselas at kwintas na maaaring ibenta, dadagdagan ko na lang po iyon bukas," wika ko. "Kain na ho tayo, 'tay."
Kinabukasan ay napagdesisyunan kong mangisda para naman ay may maiulam kami ngayon. Mahirap makakuha ng isda dahil ang ibang mga mangingisda sa kabilang isla ay gumagamit ng dinamita. Wala rin naman kaming laban dahil may kapit sila sa nakakataas, kaya kahit anong hirap ay hindi namin magawang magsuplong. Baka kami pa ang mabaliktad.
Matapos kong iluto ang isda ay muli akong dumiretso sa dagat upang manguha ng kabibe. Nang makauwi sa bahay ay hindi ko inaasahang may bisita si Itay. Anghel ba 'to? Sinusundo na ba ako ng langit?
Pero sa totoo, ngayon lang ako nakakita ng babae na kulay green ang mata. Quaintrelle. Ganda ng pangalan, halatang hindi ko maaabot.
Hindi tulad ng ibang mayaman na nakasalamuha ko, hindi siya maarte at matapobre. Halos wala rin akong nakikitang pandidiri o ano sa mata niya.
"P'wede ko po siyang turuang magbasa ng ingles. Isipin niyo na lang po na balik tulong ko na ito sa kabutihan niyo sa akin," aniya sa malambing na boses. Hindi ko alam kung pinalambing niya lang ang boses niya o ganoon lang talaga siya magsalita.
Hindi ko tuloy maialis ang tingin ko sa kaniya. "Ang ganda..." bulong ko. Agad akong napakurot sa mga kamay nang mapagtanto na napalakas iyon. Pero kahit naman na marinig niya ay totoo naman.
Mula sa kulay berde at maamo niyang mata, sa nakakorte niyang labi, sa matangos niyang ilong, sa buhok niyang paalon at sa lahat ng parte ng mukha niya, maganda. Hindi ko nga alam kung paano ihahayag iyon eh, hindi lang dapat maganda ang tawag sa kaniya. Mala-diyosa.
Totoong payag ako sa kung sakaling mapagdesisyunan niyang dito na tumira. Pero alam ko naman na gugustuhin niya pa rin na umuwi dahil nandoon ang buhay niya. Isa pa, mahirap ang buhay dito sa tabing dagat. Wala rin kaming internet o ano pa man.
"May tao akong gusto.." Unang linya niya pa lang, gusto kong sumimangot. Wala na nga yata talaga akong pag-asa. "Akala ko ay may pag-asa ako pero nalaman ko na lang na may gusto siya sa Ate ko. Tinulungan ko pa siyang manligaw dahil akala ko, kapag masaya siya magiging masaya ako pero hindi pala. Habang sinusuyo niya ang kapatid ko ay lalo lang bumibigat ang narararamdaman ko. Pakiramdam ko ay ang misyon ko ay ipaglapit silang dalawa dahil kaibigan ako ni Ziv at kapatid ako ni Ate..."
Nakinig lang ako sa bawat salita niya. Nakikita kong masyadong masakit ang lahat sa kaniya at hindi niya dapat nararanasan iyon. Sa kaunting panahon o oras na nakasama ko si Q, batid kong mabuting tao siya at hindi siya nararapat na saktan ninoman. Umuwi siya, alam kong ako ang nagsabi na may lakas siya ng loob na itinatago pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil akala ko ay magtatagal siya dito. Sa huli, ibinigay ko na lang ang porselas na ginawa ko. Isang pares iyon, ibebenta ko sana pero naisip ko na ibigay na lang sa kaniya. Bagay sa palapulsuhan niya. Maganda katulad niya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...