Kiss
"I want to surprise you! Nung isang linggo pa ako dito dahil nagkataon na dito ang last meeting ko for my new client," pagkukwento niya habang papasok kami sa loob ng cafe.
Nakalimutan ko na ang tinutukoy nila Hermes at saka ko lang iyon naalala noong nasa loob na kami at paupo na sa mesa nila Mama at Papa na kasama sina Kataleya.
"I'll help later. My husband is here," bulong ko kay Clarissa.
Nanlaki ang mata niya at nilingon ang laaking nasa likod ko. "G'wapo, ma'am! Amoy green flag din!"
Nangiti ako bago nilingon si Dae. "Hon, let's go to my parent," tawag ko kay Dae na agad din naman na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Hijo! Alam mo ba na ang hirap gawan ng eksplenasyon itong si Elle? Lagi kang tinatanong sa amin!" bungad agad ni Mama.
"You know, Ma?" tanong ko sa may nagtatampong boses. I get it, Dae wants to surprise me. I'm just worried that he didn't call me for almost a week!
"Of course! Kami nga ang kinontyaba niya! Alam mo naman 'yang si Dae, puno ng kasweet-an!" ani Papa naman.
Ipinaghila ako ni Dae ng upuan at siya na rin ang naglagay ng napkin sa kandungan ko. Umupo naman siya sa tabing upuan ko. Nang nilingon niya ako ay nginitian ko siya. I feel like, every move he make, I always fell in love. Nababaliw na ata ako.
"You fine?" he mouthed.
I nodded. "I love you," I mouthed to him and I saw how he blush.
Nangiti ako dahil sa reaksyon niya. Kinikilig 'yan. Lakas ng epekto ko diyan. Napatawa ako sa sarili dahil sa naiisip. Natigil lang nang mahuling nakatingin si Kataleya sa akin. Nag-init ang pingi ko nang ngumiti siya na may halong malisya. Nahuli siguro ang bulungan namin kanina.
"He's Daenrhu, my husband. Hon, they are my adoptive parents," I formally introduced Dae to them.
"Nakikita kong labis ang pagmamahal mo sa kaniya, hijo," ani papa ni Kataleya.
"Sobra," he mumbled while staring at me.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Look how tables have turned. Kanina lang ay siya ang kinilig sa sinabi ko tapos ngayon? Sobra-sobra pa sa paro-paro ang pinaparamdam niya sa akin.
"Kahit akong may edad na, kinikilig pa rin sa kanila! Noong hiningi nitong si Dae ang kamay ni Elle upang magpakasal, pumayag agad kami! Mabuting bata itong si Dae at masipag pa! Idagdag na lang talaga na magandang lalaki ito!" ani Papa habang hawak-hawak ang kaniyang inumin.
"May apo na ba kayo sa kanila?" tanong ng mama ni Kataleya.
Napasinghap ako, hindi inaasahan ang direktang tanong niya. Nilingon ako nila dahil doon ngunit umiling lang ako kaya't nagpatuloy sila.
"Wala pa nga eh! Inaasahan ko na bago kami mag-sisenta ay mayroon na kaming apat na apo pero hanggang ngayon, wala pa rin!" ani Mama. "Kailan niyo ba balak na magkaanak, hijo't hija?"
Nilingon ko si Dae at nahuling nakatingin din siya sa akin. Kumindat siya bago nilingon sina Mama. "Hindi ko po alam kay Elle. Siya po ang bahala kung kailan dahil siya naman po ang manganganak. Pero ayos lang naman po kahit ayaw niya pa, ang mahalaga masaya kaming dalawa."
"Hay naku, hijo! Ikaw Elle, kailan?" baling naman ni Mama sa akin.
Napalunok ako ng sariling laway bago tumikhim. "Even if I want too, hindi pa enough ang ipon naming dalawa ni Dae. Masyado pa kaming busy to have a child at baka maiwan lang namin lagi ang magiging anak namin."
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...