Boyfriend
"Hi, 'nak! How are you?" I asked Deu on the phone. Nakavideo call kami pero hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil masyado siyang makulit. "Hey, I can't see your face."
"Ay sorry po, Mama. I'm fine naman po," sagot nito bago ko makita nang maayos ang mukha niya.
"Where's your Tito Ziv?" tanong ko dahil madalas ay kasama ni Deu si Ziv tuwing sasagutin ang tawag ko, ngayon lang siya nawala.
"Ah, he's fine rin po. Nasa garden po siya, kasama si Tita Kat po," sagot nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Sino? "Who? Tita Kat? My sister?"
Tumango naman ang anak ko. "Opo. Actually po, kahapon pa sila nag-uusap ni Tito Ziv, hindi ko po alam kung ano ang pinag-uusapan nila."
Tumango ako at hindi na nagsalita. Nagpaalam na rin si Deu dahil maglalaro pa raw siya nang binigay ni Ate Kat sa kaniyang laruan. Natulala ako sa balkonahe at sandaling napaisip.
Bakit kaya sila nag-uusap? Tungkol saan? Alam ko na nagkagusto si Ziverus kay Ate Kat noon, ayon na rin sa kuwento nilang lahat sa akin. Posible kayang si Ate Kataleya pa rin ang tinutukoy na nagugustuhan ni Ziv? May kung ano sa dibdib ko ang kumirot.
Nagseselos ako. Gusto ko si Ziv pero sa nagdaang taon, hindi ko naman sigurado kung ako pa rin ba ang gusto niya. Malay ko ba kung nabalik ang nararamdaman niya para kay Ate Kataleya. Napailing ako sa sarili. Kung gano'n nga, magiging masaya na lang ako sa kanilang dalawa. Mas mabuti na siguro iyon. Alam ko namang mabuting tao si ate Kat.
Nagtagal ang pananatili ko sa Paris. Sa unang linggo ay maayos pa ang daloy pero habang tumatagal ay sunod-sunod na problema ang nangyari. Kulang sa supplies at may mga papeles kaming dapat ipasa kaya ang dapat isang buwan ko lang na pananatili sana sa Paris ay naging tatlong buwan.
Halos araw-araw naman akong nakikibalita sa Pilipinas sa pagtawag sa kanila. Madalas bumisita si Ate Kat sa bahay pero dalawang beses ko lang siya nakausap sa telepono at saglit pa. Sinasabi naman sa akin ni Deu na madalas din si Ate Kat at Ziv na mag-usap sa hardin.
Bawat araw nangangamba ako na baka kapag bumalik ako, sila na ngang talaga.
"Uuwi na ako. Tapos naman na ang cafe. Sa awa ng diyos, natapos na rin ang problema," pagkukwento ko kay Harith, naging kaibigan ko na siya dito sa Paris lalo na at may lahi siyang Pilipino at nakakaintindi rin ng tagalog.
"Paano naman iyong crush mo? May iba na. Baka kapag uwi mo, biggest surpise sa'yo, sila na pala." Humalakhak siya sa kalagayan ko.
Minsan ko nang naikwento sa kaniya ang tungkol kay Ziverus at sa madalas na pagkikita nila ni Ate Kat. Noong una, gusto ko lang sana talagang may mapagsabihan dito sa Paris lalo na at wala akong masyadong kakilala dito pero ang pinagsisisihan ko ay kung bakit ko iyon sinabi kay Harith, kahit na alam kong isa siyang napakdaldal na lalaki.
"Magiging masaya na lang ako." Nagkibit balikat ako pero parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Ay, hindi mo sure. Ganiyan ang linyahan ng mga taong clown pero ang totoo, baka lagyan mo ng sampong libong siling labuyo ang pagkain nila," aniya bago sumulyap sa paparating na kasama. "Hey, viens ici!" (come here)
Lumapit sa amin ang dalawang babae dahil sa sinigaw na pranses ni Harith. May sinabing pranses si Harith na hindi ko masyadong nasundan at maya-maya pa ay umalis na ang dalawa.
"Pinakuha ko ng pagkain. Nagugutom na ako eh," aniya na ikinatawa ko. "Picture tayo. Last day mo naman na. Ang ganda ng beret mo ngayon tapos hindi ka magpipicture?" Kinuha ni Harith ang cellphone ko at siya na ang kumalikot no'n.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...