Over-thinker
Hindi ako nagsalita dahil nagtataka ako sa sinasabi niya. Para saan? Napagbintangan ako? Saang bagay?
Tinalikuran niya ako habang natulala lang ako sa harapan ng pinto. Nang mapagtanto ang sadya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Gustuhin ko mang umatras na dahil sa kaba ay huli na dahil nagtama na ang mata namin. Nakita ko ang pagkabigla sa ekspresyon niya. Tila ba nakakita siya ng multo habang nakatingin sa akin.
Nanatili ako sa pintuan. Hindi ako gumalaw habang nakamasid sa ekspresyon niya. Mula sa pagkabigla ay kumislap ang mata niya dahil sa luhang nagbabadiya. Maya-maya pa ay sunod-sunod na hikbi na ang pinakawalan niya bago tumayo at sinugod ako nang yakap. 'Ni hindi ako nakapaghanda roon dahil sa biglaang pagyakap niya.
Hindi ako pamilyar sa kaniya pero kahit na ganoon ay komportable ako sa bawat yakap niya. Iba rin ang haplos no'n sa puso ko. Gumalaw ang kamay ko upang ipalibot iyon sa katawan niya. Gusto ko siyang yakapin. Parang may parte sa akin na namimiss siya.
"E-Elle..." Dinig kong hikbi niya sa pangalan ko.
Hindi ako nagsalita. Should I call her Ate? Or should I stick to her name? Ngayon ko lang napagtanto na siguro, may nangyari rin namang mabuti noon sa buhay ko. Ramdam ko ang pagmamahal ni Kataleya sa akin base na rin sa ekspresyon at paraan nang pagyakap niya ngayon.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa narinig ko ang paghina ng mga hikbi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinila ako paupo sa isang sofa sa kwarto niya. Hinawakan niya ang kamay ko habang hindi pa rin makapaniwala ang mata niya habang nakatitig sa akin.
"Is this for real?" mahinang bulong niya. "Where have you been, Elle? I... Hindi ko alam kung saan ka hahanapin... I miss you. So much," dugtong niya.
Muling dumaloy ang masaganang luha mula sa mata niya habang hawak pa rin ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko kaya agad ko itong kinapa. Why the hell am I crying?
"I'm sorry if I'm not there when our parents pushed you away. I'm sorry... Alam ko naman, Elle na masakit iyon sa'yo... You were fragile and I know, you were deeply hurt," aniya.
Kumunot ang noo ko. Ano ang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan? First, her mother said that she's sorry for blaming me. Second, this thing she said. Ano bang nangyari bago ako maaksidente? Ano pa ba ang hindi ko nalalaman sa nakaraan ko?
"I'm sorry but can you make it clear, for me to understand things? I haven't mentioned it to you yet, but I had an amnesia," marahang sabi ko sa kaniya.
Nag-iba ang emosyon niya. Nandoon ang pagkabigla habang nakamasid sa akin. Tila ba'y hinahanap siyang kung ano sa mata ko ngunit ng hindi mahanap ay bumuntong-hininga siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago siya nag-iwas ng tingin.
"Do you want me to tell you?" tanong niya sa mambing na boses.
May kung anong pumipigil sa akin na malaman iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang pagtutol. Umiling ako nang dahan-dahan. Susundin ko ang kutob ko na hindi malaman iyon. Tumango naman si Kataleya bago muling pinunasan ang luha niya.
"I-Ikaw naman ang... magkuwento.. Gusto kong malaman kung ano na bang nangyari sa'yo.." she stuttered.
"I found my biologial parents," I trailed on. Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya nang sinabi ko iyon. "They treat me better. They love me. At wala na akong mahihiling pa roon. Nakapagtapos ako ng kursong engineering. After I graduated, I got married to my husband."
"W-What?" Her mouth gaped open while staring at me. "Arranged marriage?"
"No," Umilig ako. "Mahal ko si Dae kaya ako nagpakasal sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...