Porselas
Nagpahinga muna ako saglit bago muling lumabas. Wala sa salas sina Manong at Dae kaya lumabas ako ng bahay suot ang isang tsinelas na nasa pinto. Hindi ko alam kung kaninong tsinelas iyon pero hihiramin ko muna.
Nang makalabas ay nadatnan ko si Manong na nagiipon ng maliliit na kabibe at inilalagay iyon sa basket na hawak niya. Habang si Dae naman ay nakaupo sa korteng mesa na bato habang may hawak na gitara. Nakamasid siya sa karagatan habang nagi-strum ng gitara.
Lumapit ako kay Dae af naupo sa tabi niya. Bahagya pa siyang napaigtad dahil sa bigla kong paglapit ngunit agad ko ring nakita ang ngiti niya nang magtama ang tingin namin.
"Anong kinakanta mo? Baka alam ko! Mahilig akong makinig ng music!" tuwang-tuwa kong sabi habang nakatingin sa gitarang hawak niya.
"Alam mo ba 'yung Ain't Met Us Yet?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko 'yan alam, pero try mo nga kantahin!" Umayos ako ng upo upang maayos na makinig sa tutugtugin niya.
"I've read all of the books under romance
Hoping to find you someday
Now someday is right now."Nakamasid ako habang tinutugtog niya ang gitara at sinasabayan niya iyon ng mahinang pagkanta. Malalim at masarap sa tenga ang boses niya. Nakakarelax.
"I've seen the guy get the girl in the movies
But never thought I'd be the one
To run off with you in that gown
It's a worse or for better
A once upon a time.."The song.. it's beautiful. Pakiramdam ko ay ang saya ng kwento ng kanta. Ang ganda ng mensaheng pinaparating. Lalo pa't binibigyang hustisya ng boses ni Dae ang kanta at saliw ng musika mula sa kaniyang gitara.
"'Cause that's what loving you is like
Like when Jack told Rose that she's the one
Like when Cinderella fell for that prince at the ball
Like when johnny asked baby for one more dance
And Noah Asked Allie to take his hand
Like when beast saw bell for very first fime
Girl, we're next on the list with your hand next to mine
They say nothing last forever, so forget what you read
But they ain't met us, they ain't met us yet.."Napapikit ako dahil sa kanta. I know those character. How Jack died to save Rose. How the prince fell in love with Cinnderella. Every character that includes in the song prove that true love really exist. I found it really relaxing.
Kailan kaya ako magkakaroon no'n, ano? 'yung mamahalin ako kahit ako pa ang pinakapangit na tao sa mundo. 'yung mas mahal ako kaysa sa pagmamahal ko sa sarili ko. 'yung lalaking hindi ako papakawalan. I wish I could still have someone who's like that.
Pumasok sa isipan ko si Ziv pero imposibleng mangyari iyon. He'll never like me. Hindi kasi ako ang gusto niya.
Ipinilig ko ang ulo at iwinaksi ang isiping iyon sa isipan ko. Gusto ko munang maging positive ngayon. Ayaw ko muna ng sakit dahil nandito ako upang magsaya at magpahinga mula sa masakit kong mundo.
"Are you okay?" tanong ni Dae na tinanguan ko.
"Maganda pala ang boses mo! Ang galing mo ring maggitara!" Ngiti ko sa kaniya at bahagya pa akong pumalakpak.
"Hindi naman gano'n kaganda. Nambobola ka lang e." Ngumiti siya nago inilapag ang gitara sa tabihan niya.
We both fell into silence. Silence that isn't awkward but comforting. We were both staring at the scenery infront of us, like a kids that doesn't have any problems. I know we aren't kids anymore but still, I want to live like this. Forever.
"Daenrhu! Q! Halina't gumawa tayo ng porselas tutal ay marami na akong nakuhang kabibe!" biglang sigaw mula sa kalayuan ni Manong.
"Tara, Q! Turuan kita kung paano gumawa ng porselas para may maisuot ka diyan sa kamay mo!" Naunang tumayo si Dae at inilahad ang kamay sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomansaEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...