I don't care about anyone
Nagngingitngit ako sa inis dahil sa lalaking iyon. Ang yabang! Inaamin ko, may itsura sanasiya kaso lang ay masyado siyang nagbubuhat ng sarili niyang bangko. Nanatili muna ako sa loob ng sasakyan. Pinili kong tanggalin ang face mask at ang shades dahil wala naman na ako sa site.
"Hey!" nadinig kong sigaw mula sa labas.
Nang lingunin ko iyon, yung engineer nila ang sumigaw. Umirap ako sa kawalan bago sinimulang paandarin ang kotse ko. Hindi ko na hinintay pa na maabutan niya ako, binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa nawala na ang construction site sa paningin ko. Bumuntong hininga ako bago idineretso ang kotse pabalik sa cafe.
Naabutan ko pa sila na niri-receive ang order na mga table at mga kurtina. Tumulong na rin ako na magbitbit no'n papasok sa loob para mapadali ang trabaho. Ako, kasama ang dalawa ko pang empleyado ay ang nag-ayos ng kurtina habang ang iba ay nagtulungan sa paglalagay ng mga lamesa sa mga upuan na wala pa.
Natapos ang araw na iyon na pagod dahil sa pagsasaayos ng cafe. Ilang araw na lang at opening na. Pagkauwwi ay tinawagan ko muna si Mama at Papa upang kamustahin. Maga-alas onse na ng gabi at hindi ko alam kung tulog na ba sila.
Nakailang ring ang tawag bago nila sinagot. "Hi, Ma. Natutulog na ba kayo?" bungad ko.
"Patulog na sana, 'nak. Pero basta ikaw ang tumawag, ayos lang," may saya sa boses niya habang sinasabi iyon. "Bakit ka nga pala napatawag? May problema ka ba?"
"Wala naman, 'ma." Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita. "Gusto ko lang sabihin na invited kayo sa opening ng cafe dito sa Albay."
"Aba, syempre naman! Kahit hindi ako invited ay pupunta talaga ako dahil nag-iisang unica hija ko ang may-ari no'n! Hindi ako p'wedeng hindi makapunta!" aniya, bahagyang tumatawa.
"Hindi ba kayo busy ni Papa? Ayos lang naman sa akin kung hindi kayo makakapunta kung may gagawin kayo. Tutal, lagi naman kayong nakapupunta noong opening ng ibang branch," may pag-aalinlangang sabi ko.
"Hindi mo pa sinasabi na invited ako ay nacancel ko na lahat ng gagawin ko sa opening ng cafe mo. Kahit kailan ay hindi kami magiging busy para sa iyo. Alam mo naman na ito na lang ang paraan namin para makabawi sa iyo."
Napangiti ako dahil doon. Itong nagdaan na taon ay wala silang ibang ginawa kung hindi suportahan ako sa mga ginagawa ko. Isa sila sa mga taong naging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang ito.
"Susunduin na lang daw kayo ni Dae, Ma. Nandiyan naman siya sa Manila. Sabay na lang kayo na pumunta dito." Umupo muna ako sa sofa bago kinuha ang laptop ko upang magheck ng updates tungkol sa sales ng ibang branch.
"Akala ko ay pumunta na diyan si Dae? Hindi pa b--" naputol ang sasabihin sana niya nang marinig ko na may umagaw sa celphone niya.
"Ma? Hello?" tawag ko sa ngalan niya dahil may naririnig akong bulong na hindi ko naman maintindihan. Something like 'be quiet.'
"Ah, hello 'nak! Ang Papa mo ito!" biglang ani ng boses ni Papa.
"Pa, bakit po? at saka anong sinabi ni Mama na nandito raw po si Dae?" I asked, confused.
"W-wala 'yun, 'nak! Nalito lang ang Mama mo, akala niya nandiyan si Dae sa Albay, eh kakausap ko pa lang sa kaniya kanina," may kaba sa boses nito.
Naguguluhan man ay hindi ko na iyon kinilatis pa. Baka nga akala ni Mama ay nandito si Dae sa Albay na iposibleng mangyari dahil nasa Manila ang trabaho niya. At saka sa pagkakaalam ko ay may tinanggap siya na project, ayon na rin iyon sa kaniya. 'i hindi ko nga alam kung makakadalo siya sa opening. Hoping naman na sana makapunta siya kahit sandali lang.
BINABASA MO ANG
Love Me, Engineer ✅
RomanceEngineer Series #3 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type of girl who never knows how to say "no," always agreeing to whatever someone says. She tried to help Ziverus Monroe in courting her sister, e...