Chapter 1: Hi!

138 3 0
                                    

"Hoy! Buhay ka pa ba?!"

"Ha?"

"Tinatanong kita kung humihinga ka pa ba? Kanina ka pa nakatitig sa akin pero parang nasa ibang dimensyon naman ang isip mo. Okay ka lang?"

"Ah...oo naman."

"Sure ka? Kamusta mga shots mo? Ayusin mo...especially mga kuha mo sa akin. Mapi-pektusan kita!"

Ang sweet 'di ba? Ganyan 'yan siya. Walang preno ang bibig pagdating sa akin. Siya nga pala si Tricia Perez. Ang aking bestfriend. Siya rin ang babae na mag-a-anim na taon ng tinatangi ng aking puso. Love at first sight ang nangyari sa akin. Cliché, I know. Hindi ako naniniwala noon na possible 'yun until sa akin mismo nangyari.

Matthew Lance Avida ang aking buong pangalan. Pareho kaming Grade 12 student ni Tricia. Hindi ako mahina sa klase. Sakto lang. Mahilig ako sa sports, at dun ako mas kilala. Pinaka-paborito kong nilalaro ang basketball. Naglalaro rin ako ng tennis, football, at hockey. 

Sports lover man ay favorite pastime ko pa rin ang bonding moments namin ng bestfriend ko. Watching movies, malling, roadtrip, or kahit simpleng tambay lang sa bahay. Sa loob ng anim na taon, maraming beses ko na ring binalak na magtapat ng nararamdaman ko sa kanya. Ngunit umuurong ang aking dila every time. Pinapangunahan ako ng takot. Baka kasi magbago ang pakikitungo niya sa akin.


Six years ago. 

Grade 7 ako noon. First day of school. Bagong school. Bagong mga kaklase. Bagong environment. Nakakakaba ang adjustment period. Pero for some reason, kalmado ang umpisa ng araw ko. Maaga akong nagising kung kaya't maaga rin akong inihatid ng aming family driver. Pagmamay-ari ng aking tiyuhin ang exclusive school na aking papasukan. Ang Théo Lestrange International School. Isa marahil ito sa dahilan kung bakit kampante ang unang araw ko.

Nasa auditorium kami para sa orientation nang una ko siyang masilayan. Oo. Si Tricia ang aking tinutukoy. Nakita ko siyang tumatakbo papasok ng auditorium. Buhaghag ang mahaba niyang buhok na para bang iwinasiwas ito ng malakas na hangin. Nakita ko siyang pumuwesto sa bandang likuran. Bitbit pa niya ang kanyang backpack. Halatang kararating pa lamang nito. Inipit niya sa pagitan ng dalawa niyang binti ang kanyang bag habang itinatali ang mahaba niyang buhok into a messy bun. Sunod naman niyang inayos ay ang sintas ng kanyang sapatos. Walang niri-require na school uniform sa school na ito. Pwede mong suotin ang kahit na anong kasuotan as long na komportable ka. Jeans and t-shirt ang napiling outfit ni Tricia sa unang araw ng pasukan. Arctic blue ang kulay ng kanyang t-shirt na bagay lamang sa kanyang fair complexion.

Para akong naalimpungatan nang mabunggo ako ng kapwa ko estudyante. Napangiti ako nang ma-realize na nakuha pala ni Tricia ang aking buong atensyon. Nagulat na lamang ako na tapos na pala ang ginaganap na orientation. Nang muli kong tingnan ang gawi ni Tricia ay wala na siya doon. Nakaramdam ako ng konting panghihinayang. Although, malakas naman ang kutob ko na makikita ko siyang muli dahil nasa iisang school lang naman kami. 

At parang tinamaan ako ng swerte nang makita ko siya pagpasok ko ng classroom. Magkaklase pa pala kami. Ngunit, ang akala kong swerte ay agad din napalitan ng pagkadismaya. Hindi man lang nagagawi ang kanyang mga mata sa akin. Kahit nung isa-isa naming ipinakilala ang aming mga sarili ay hindi ko siya nakitang sumulyap man lamang. Well, to be fair, lahat naman 'ata kami dineadma niya. 

Two seats apart lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Ako ang nasa may bintana, habang siya ay nasa bandang gitna. Madalas na nakatuon ang kanyang mga mata sa kanyang notebook. Hindi ko alam kung nag-do-doodle ba siya o nagsi-sketch. Nakikinig naman siya tuwing nagli-lecture. Sadyang hindi lang 'ata talaga siya palakausap. Kahit mismong katabi niya hindi niya rin kinakausap. Although, sumasagot naman siya kapag may nagtatanong. Pero hindi ito nag-i-initiate ng conversation. Hindi mukhang suplada si Tricia. In fact, maamo ang kanyang mukha. 'Yung tipong may angelic vibe. Maganda rin ang kanyang mga mata. Isa sa mga attributes niya na bumighani sa akin.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon