Chapter 3: Almost

47 2 1
                                    

"Table for one, please?"

"Matt!" Isang mahigpit na yakap ang salubong niya sa akin.

"Akala ko mamayang gabi pa dating ninyo ng parents mo?"

"I lied," nakangiti kong tugon. "Just kidding. We took an earlier flight. My dad received an important call, so we had to leave in a hurry. Sorry, hindi na kita nasabihan. Gusto rin talaga kitang i-surprise."

"I see. So? Anong pasalubong mo sa'kin?"

"Sarili ko, syempre."

"Wow..."

"Bakit? One month din tayo mahigit na magkalayo ah."

"Hindi ko ramdam, honestly. Siguro dahil lagi naman tayong nag-uusap."

"Aww..that hurts."

"Arte mo. Paano ba 'yan? I have to stay till closing time. Weekend ngayon kaya maraming customers. Uwi ka muna? Tatawagan nalang kita mamaya?"

"No, I'll stay."

"Ha? Eh, 2 p.m. pa lang eh. Wala ka bang jet lag?"

"I'm good. Kaya din ako nandito para tumulong."

"Are you crazy? That was a long flight."

"And so? Bakit hindi na ba ako pwede dito? Dahil ba tumutulong na rin dito si Jackson?"

Nakatanggap ako ng hampas sa braso.

"Seryoso? Selos talaga ang naramdaman mo at hindi 'yung concern ko sa'yo?"

Sumimangot ako bilang tugon.

"Matthew Lance Avida, sapak gusto mo? Nag-aalala lang ako sa'yo. And by the way, wala dito si Jackson ngayon. My family affair-ish...so, if ang purpose ng pagpunta mo dito ngayon ay para bakuran ako, magtigil ka! Walang aagaw ng best friend mo. Ano ako bata?"

"Still, I want to stay. I'm fine. Really." She rolled her eyes at me.

"Whatever. Gawin mo kung anong gusto mo. 'Pag ikaw hinimatay d'yan, sisipain pa kita."

Tinalikuran na ako ni Tricia pagkatapos ng huli niyang litanya. 

I've missed you, kaya hindi ko kayang ipagpabukas pa ang pagpunta sa'yo. 


Bandang 11 p.m. na kami natapos sa restaurant. 10 p.m. ang closing time, pero tumatagal din ng isang oras ang pag-aayos at paglilinis kung kaya't madalas ay 11 p.m. na nakakauwi sina Tricia at ang Mama niya. Nauna na ang best friend ko sa parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan, pati na rin ang sa Mama niya.

"Hand me your keys," sabay abot ng isang palad niya sa akin. Habang ang isa naman ay nasa kanyang beywang. Nakatayo siya sa harapan ng aking sasakyan.

"Why?" tanong ko nang tuluyang makalapit.

"Anong 'why'? I'll drive you home. Halatang pagod ka na. Ang tigas kasi ng ulo mo."

Naa-amuse ako na tinitigan siya. "I'm good. Don't worry. Kaya ko pang mag-drive. Tsaka, allowed ka na ba mag-drive?"

"What do you mean? Sabay tayong kumuha ng driver's license, ah. Nakalimutan mo na?"

"I don't mean the license. Naalala ko pa kasi kung paano mong nagasgasan 'yung sasakyan ng Mama mo noong Christmas dahil sumabit sa gate n'yo."

Isang hampas ang agad na tumama sa balikat ko.

"Nagkamali lang ako ng tantiya nun, okay? Masyado ka naman. Iingatan ko naman 'yang BMW mo. I mean, I'll do my best."

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon