"Buntis ako, Matt!" Tuluyan na siyang humagulgol.
"Sinong buntis?!"
Sabay kaming nagulat ni Tricia nang biglang may nagsalita sa may pintuan. Si Tita Meldy. Agad kaming tumayo ni Tricia. Naalala ko ang hawak-hawak na pregnancy stick kaya't agad kong ikinubli ang aking kamay.
"Sagutin n'yo akong dalawa! Anong nangyayari dito?" Seryosong-seryoso ang mukha ni Tita. Unang pagkakataon na makita ko siyang ganito ka-seryoso.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Tricia sa laylayan ng aking damit. Ramdam ko ang kanyang takot.
"Lumabas nga kayo rito!"
Dahan-dahan kaming humakbang ni Tricia palabas. Nakatayo na ngayon si Tita Meldy sa gitna ng kwarto. Sinadya ko namang itago si Tricia sa aking likuran.
"Ano? Walang magsasalita? Sinong buntis? Tricia, buntis ka ba?!" may panic sa boses ni Tita. "Matthew, ano 'yang tinatago mo sa likuran? Maliban kay Tricia."
Umiling-iling ako. Nakakatakot pala si Tita 'pag nagagalit.
"Huwag n'yo akong galitin..." mariin niyang sabi.
Hindi pa pala siya galit sa lagay na 'yan. Nang akmang lalapit sa kinatatayuan namin si Tita ay bigla akong lumuhod, na labis nilang ikinagulat, lalo na si Tricia.
"Matt, what are you doing?!" gulat niyang tanong.
"Tita, papanagutan ko po si Tricia," diretso kong wika. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko, basta't ang alam ko gusto kong protektahan si Tricia.
"Matthew! Binuntis mo si Tricia?!"
"I'm sorry, Tita." Hindi ko kailangan lumingon para mahulaan ang ekspresyon ni Tricia. Sigurado akong gulat na gulat ito—dahilan para hindi siya makapagsalita.
"Pinagkakatiwalaan kita! Paano mong nagawa 'to?"
"Stop!" si Tricia. Sa wakas ay nahanap na rin niya ang kanyang boses.
"Stop?! Ano? Inaasahan mo bang hindi ako magagalit? Ha? Tricia?!"
Naka-ready na akong tumayo para i-shield si Tricia just in case sasaktan siya ng kanyang Mama.
"Hindi po, Ma. Hindi po si Matthew ang ama. Wala po siyang kasalanan kaya huwag po kayong magalit sa kanya." Bigla akong tumayo at nilapitan si Tricia.
"Ano bang sinasabi mo? Nakahanda akong panagutan ka," wika ko. Naisip ko na mas mabuti ng ako ang mapagbuntunan ni Tita kesa malaman pa niya ang totoong nangyari kay Tricia.
"I was raped." Parang may bombang sumabog nang basta na lamang ihayag ni Tricia ang mga katagang 'yun.
"Ano?!!" Of course, mas nagulat pa si Tita.
"Sino?! Paanong nangyari?!" Nag-hysterical na ngayon si Tita Meldy. Ito 'yung ayaw kong mangyari. Aside sa shock na nararamdaman ngayon ni Tita, alam kong manunumbalik na naman sa isipan ni Tricia ang nangyari.
"Ibigay mo sa akin ang detalye ngayon din! Sisiguraduhin kong magbabayad ang gumawa sa'yo nito!"
"Ma, huwag na po," pakiusap ni Tricia.
"Anong huwag? At bakit ngayon n'yo lang 'to sinabi sa akin?! Matthew, you knew about this?"
"Kasalanan ko, Tita. Hindi ko siya dapat hinayaang umalis ng hindi ako kasama."
"Kailangan ko ng pangalan. Utang na loob!"
"It was Jackson, Ma..."
"Ja—JACKSON? JACKSON TIU?"
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...