Chapter 30: Fresh Start

84 15 15
                                    

"Matt!!" 

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Tricia, but I just need to step outside. The revelation I heard was just too much. Nanginginig ang aking kalamnan at hindi ko mawari ang kirot sa puso na aking nararamdaman. I was a coward and a fucking idiot. I think highly of myself when I think I'm the right man for her. She clearly deserves better.

Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha ay ang pagbigay rin ng aking mga tuhod. Napaluhod ako sa bakuran nila Tricia. Hindi ko alintana kung sakaling may makakita man sa akin. I deserve to be crucified. Tumingala ako sa langit. Sumalubong sa aking mga mata ang liwanag ng buwan.

"Tito Greg, patawad. P-Patawarin n'yo po ako..." Tuluyan na akong humagulgol. "Ako ang dapat sisihin sa nangyari kay Tricia. Kasalanan ko pong lahat."

Maya-maya pa'y narinig kong bumukas ang main door. Kasunod nun ay ang pagsaklolo sa akin ni Tricia.

"Matt, what are you doing?!" tanong niya habang pinipilit niya akong itayo.

"Just let me be, Trish... It was all my fault."

"No, Matt. Hindi totoo 'yan, please...get up."

Hindi ako tumayo, bagkus, yumakap ako sa kanyang mga tuhod.

"Please, forgive me, Trish. Kasalanan ko kung bakit ka napahamak. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito."

Hinagod ni Tricia ang aking ulo.

"Matt, please tumayo ka na. I want to see your face, please..."

Nagpunas muna ako ng luha bago dahan-dahan na tumayo. Nang magkaharap na kami ay muli na namang umagos ang mga ito. Inuusig ako ng aking konsensya. Kaagad niyang sinapo ang aking mga pisngi.

"Stop crying, Matt. I don't want you to blame yourself like this. Matagal ng tapos ang kabanatang 'yun."

"I asked for a sign, Trish."

"Huh?" medyo naguguluhan niyang tugon.

"Magtatapos na tayo sa Senior High nun. I asked for a sign para magtapat na ako ng nararamdaman sa'yo."

Nangungusap ang mga mata ni Tricia habang nakatitig sa akin. Salamat sa liwanag ng buwan at ilaw sa labas ng kanilang bahay, maliwanag kong nakikita ang kanyang mukha pati na ang kanyang mga mata.

"Humiling ako ng simpleng sign dahil desidido na akong magtapat sa'yo pero naduwag ako Trish. Hiniling ko lang na pareho tayong matanggap sa iisang university. Iyon lang ang sign na hiniling ko na siya namang ipinagkaloob sa akin. But what did I do? I had cold feet. I rejected the sign, thinking it wasn't the sign I needed, dahil lang nakasama natin si Jackson sa same university. Now, tell me...wasn't I the biggest idiot you've met? I don't think I deserve you. God! Napakayabang ko. All this time, sinisisi kong lahat kay Jackson pero mas malala pa pala ako kesa sa kanya."

Marahan na pinunasan ni Tricia ang aking mga luha. Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang mga palad sa pagkasapo sa aking mga pisngi.

"Didn't I tell you that we are both idiots?" malumanay niyang tanong. "I doubted you, Matt. I doubted your love for me. It wasn't my heart though, it was my insecurities. My heart always knew how much you loved me. But my insecurities clouded my mind."

"It was all my fault. I failed to assure you. I should have said something. Napangunahan ako ng takot. Nangamba ako na baka maapektuhan ang samahan natin oras na magtapat ako ng nararamdaman sa'yo. I am supposed to be your protector, Trish. But I failed miserably. You had already been through so much, even before that incident. Hindi dapat nangyari sa'yo 'yun kung hindi ako naging dakilang duwag. Akala ko noon ikaw 'yung manhid, but surprise? It was actually me. The joke is on me."

"I don't mind, Matt. If the joke is on you, then let me laugh with you. I am no different. I've been pushing you away kahit na ang totoo ay gusto kong palagi kang nasa tabi ko. Tinutulak kita palayo kahit pa nakikita ko naman kung gaano mo kagusto na maging parte ng buong-buhay ko. Pinili kong maging insecure kahit ni minsan hindi mo pinaramdam sa akin na may gap ang estado natin sa buhay. I kept pushing you until you took it too far. That would have been the biggest regret of my life. But the heavens showed mercy upon me once more. Thank God for bringing you back to me."

Hindi ko napigilang mapangiti sa tinuran niya kahit pa may panaka-nakang luha na tumutulo mula sa aking mga mata.

"How did you get so good at this? Now I'm starting to get worried. Did someone coach you to become this romantic? It better not be a guy."

Natawa siya sa aking sinabi. "These were the words that I used to keep in my journal. The words I couldn't tell you, I kept in there."

"I'd like to get possession of that journal."

"I'd rather you wouldn't."

Unti-unti ng gumagaan ang aking dibdib. But I'm getting curious about the journal.

"It keeps my fantasies about you, too," kagat-labi niyang dagdag.

Automatic na kumislap ang aking mga mata. What did she just say? She fantasizes about me?

"The more reason that I wanted to get a hold of that journal—if it's all about me, then I want to see."

"You've got to earn that," malambing niyang tugon.

"Tell me how."

"Spend the rest of your life with me..." she whispered. "And the next lifetime—and the one after that—"

Siniil ko siya ng halik at malugod rin niya itong tinugon.

"I'll do that and more. I'll beg the heavens to be with you for eternity," tugon ko as our lips parted.


Hindi naglaon ay pumanhik na kami sa loob ng bahay. Unti-unti na kasing lumalim at lumalamig ang gabi. Maya't-maya ay maririnig pa rin ang aking paghingos. Gawa ito ng aking paghagulgol kanina. Nakabantay si Tricia sa akin. Alam kong iniiwasan niyang alalahanin ko na naman ang mapait na yugtong 'yun.

"Matt..." tawag niya sa akin. Kakahiga lamang namin sa kama.

"Hmm..." Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. Magka-level ang mga ulo namin na nakahiga sa malapad na unan.

"About earlier... Jackson wished to see Zach in the future. I told him that, in time, it might be possible. That explains the hug, I guess. He was happy to hear what I said."

Marahan akong tumango. Ramdam kong gusto ni Tricia na tuluyan ng mag-heal from that painful episode in her past. I want it, too.

"One day, when Zach is old enough to comprehend, we might have to tell him about Jackson. Let's give him the freedom to decide. Pero as his mom gusto kong malaman mo, hindi mo man siya dugo't laman, alam kong you are the best dad he could ever have. You were there since day 1, and for that, I am forever grateful."

"Likewise, Trish. Thank you for giving me the opportunity na maging parte ng buhay niyong mag-iina. It means so much to me. As for Jackson, it may take a while, but I'm not shutting down the possibility that one day kaya ko na ulit siyang kausapin bilang tao."

Marahan siyang tumango-tango.

"Thank you," mahina niyang wika. Nakikita kong tinatamaan na siya ng antok at dahan-dahan ng napapikit ang kanyang mga mata.

"The pleasure is all mine. Thank you so much for loving me, and I apologize for my shortcomings—"

"Sshhh... All is forgiven the moment you came back to me," she whispered before she drifted off to sleep.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.

"Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa pagtanggap sa mga kahinaan ko. Salamat sa paghihintay sa akin. Mahal na mahal kita."

May tumulo ulit na luha sa aking pisngi pero this time, may kalakip na itong ngiti sa aking mga labi.


◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon