•
•
• Tiu, Jackson
Hindi ko talaga malaman kung ano ang naging atraso ko kay Jackson sa past life namin at grabe ang pamemeste nito sa akin ngayon. Ateneo ang first choice ng mokong na ito, pangalawa ang De La Salle. Pero ng malaman niya na nag-take ng entrance exam sa UST si Tricia ay sumunod rin ito. At ngayon nga ay natanggap pa. Sa tatlong universities na pinagpilian namin ni Tricia, sa UST kami pareho na natanggap. Natanggap din ako sa Ateneo, pero si Tricia hindi. UP ang isang university na napasahan niya. Nabalitaan kong nakapasa rin sa Ateneo si Jackson. Taimtim kong dinarasal gabi-gabi na sana'y Ateneo ang piliin ng loko pero mukhang hindi umayon sa akin ang tadhana sa pagkakataong ito.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nagsimula na agad ang pasukan. Ngayon nga ay may nagaganap na acquaintance party sa university. Napansin kong kay Tricia lamang nakatuon ang atensyon ni Jackson. May nagbago sa kanya. Hindi na siya ganun ka-angas umasta. Friendly na rin siya ngumiti. Hindi kagaya noon na napaka-flirtatious niyang ngumiti at tumingin. May kasamang kindat pa 'yun kaya nagkukumahog ang mga babaeng estudyante na nadadaanan niya sa hallway. Kung hindi mo siya kilala iisipin mong boy-next-door ang kanyang personality. Pero hindi niya ako maloloko. Alam kong gusto niya lang makuha ang loob ni Tricia.
"Hey! Can I sit next to you?"
Bahagya akong nagulat nang may babaeng nagsalita sa tabi ko. Malamang ay estudyante rin ito pero hindi siya familiar sa akin. Well, iilan pa lang din naman ang kilala ko sa university. Mahigit isang buwan pa lang din naman kasi ang nakalipas mula nang mag-umpisa ang pasukan.
"S-sure..." sagot ko. Hindi ako maka-hindi dahil bakante ang katabi kong upuan. Katabi ko kanina si Tricia pero lumipat ito sa tabi ni Serena na kaklase din namin.
"Thank you," malambing na sagot ng babae. "What's your name?"
"Lance..." matipid kong sagot.
"Bridget," tugon ng babae. Maya-maya pa ay nag-abot ito ng kamay.
Maingat kong inabot ang kamay ni Bridget. Dagling shake hands lang ang balak kong gawin pero hinigpitan ng babae ang pagkahawak nito sa kamay ko. Automatic akong napatingin sa gawi ni Tricia para magpasaklolo. Ngunit tinawanan lamang ako nito. Sumenyas pa nga ito ng 'go ahead'. Great!
"Can I be your date tonight? It seems you don't have one."
Gusto kong sumagot na, 'Akala mo lang 'yun. Matagal ng taken itong puso ko'.
"Um-- I'm sorry. I won't stay long. May funeral kasi akong pupuntahan bukas."
"Oh 'm G!" maarteng bulalas ng babae. "I'm sorry. A relative?" usisa pa nito.
"Sort of," maikli kong tugon. Sumenyas ako kay Tricia na kailangan na naming umalis.
Sa parking area ng university.
"Sorry kung panira ako ng mood," hinging paumanhin ko kay Tricia. Napaka-considerate kasi nito sa akin. Walang tanong-tanong na sumunod ito nung sumenyas ako na umuwi na.
"What are you talking about?" naguguluhan na tanong nito.
"Alam kong nag-i-enjoy ka pa sa party, but you had to cut it short because of me."
"You are overthinking. Inaantok na rin ako, so it was fine."
"I'm sorry."
"Seryoso ako, Matt. Totoong inaantok na ako. You'll see. Bago pa tayo makarating sa bahay namin eh malamang tulog na ako."
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...