TIME CHECK: 11:47 PM
Matt: I can do this until morning. You know that.
Trish: _______
Matt: Please answer my call.
Matt: Please, Trish...
TIME CHECK: 02:08 AM
Matt: I'm outside your house. Kausapin mo naman ako kahit saglit lang.
Nakita kong bumukas ang ilaw ng kanyang kwarto. Sunod kong nakita ay ang kanyang silhouette na papalapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina para sumilip sa labas. Ilang segundo pa'y nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.
"Are you crazy?" Ito ang bungad niya sa akin. "It's very late, Matt!"
"I didn't have to do this, kung sinagot mo lang ang mga tawag ko."
"Oh, it's my fault! God! How did I forget?" sarcastic niyang tugon.
"I'm sorry. I was a dick." Hindi siya umimik. "I couldn't sleep, Trish. Alam mo 'yan 'di ba? Never tayong natutulog na galit sa isa't-isa. I'm sorry, I shouldn't have asked those very personal questions. Kahit gaano pa katagal ang friendship natin, I should have known that there are lines I shouldn't cross."
"Enough, Matt. I don't like this conversation."
"Please forgive me for invading too much of your privacy."
"May kasalanan din ako. I should have answered those questions truthfully---but I just can't."
Halos pabulong ang pagbigkas niya sa huling apat na salita na 'yun. I felt a pang in my chest. Is she falling for Jackson?
"You don't owe me an explanation. Basta nandito lang ako whenever you need me. I'm always here for you." Nakuha ko itong sabihin sa kabila ng paninikip ng aking dibdib. Nahuli na ba ako?
"Are you sleeping over?" maya-maya pa'y tanong niya sa akin.
"No. Maaga kaming aalis mamaya papuntang Lingayen. We will be visiting my grandpa."
"Okay..." maikli niyang tugon.
Maya-maya pa'y bigla siyang umalis sa kinatatayuan niya sa may bintana. Sunod kong nakita ay ang paglabas niya sa main door. Agad niyang tinungo ang gate. Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan. Saktong pagbaba ko ay ang paglabas niya ng gate. Tumakbo siya palapit sa akin at agad na yumakap. Mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya.
"I'm sorry," mahina niyang wika. Nakasubsob ang mukha niya sa aking dibdib. Ramdam kong humihikbi siya.
"Shhh...I am sorry, too. Let's not fight like this again." Inangat ko ang mukha niya mula sa pagkakasubsob at agad na pinunasan ang kanyang mga luha. Ayaw ko siyang nakikita na umiiyak. She's been through a lot in life already.
"Magtatagal ba kayo sa Lingayen?" tanong niya.
"One week. Pagbalik ko sabay na tayong mamili ng mga kailangan natin para sa pagbubukas ng klase, okay?"
Tango ang naging tugon niya sa akin. May nakita ulit akong luha na tumulo sa kanyang mga mata.
"Tahan na. I don't want to picture you crying habang nasa byahe ako mamaya. Tatawag ako pagdating namin doon."
"Okay. I'll wait for your call. Ingat kayo."
"Salamat. Kayo din ni Tita, stay safe."
We hugged tightly one more time bago ako tuluyang nagpaalam. Habang nasa biyahe pabalik, hindi ko mapigilan na mapaluha. I'm happy that we reconciled, but a part of me is breaking. I'm scared. I grow anxious as time passes by. Should I let go of my feelings to keep her by my side? Or tell her how I feel and risk whatever we have? Will it be worth the risk?
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...