Chapter 21: The Gift

106 16 15
                                    

Please... If deities are real, please hear my plea. I want to go back. I promise to cling to her and never let go. 

Bitbit ang isang bote ng alak ay pumwesto ako sa balcony na nasa bandang likuran nitong villa. This place has been my comfort place kahit noong nabubuhay pa ang aking lolo. Mas lalong napalapit sa akin ang property na ito mula noong napuntahan ito ni Tricia. Nilingon ko ang dock na nasa aking kaliwa. Parang naririnig ko pa ang kanyang tawa noong namingwit kami. Naalala ko pa kung gaano siya kasaya noon. Punong-puno ng excitement ang kanyang boses sa tuwing may kumakagat na isda sa kanyang bingwit. Napadako naman ang aking mga mata sa hardin na nasa aking kanan. The place where I confessed my love. The place where we shared our first kiss.

Sunod-sunod kong tinungga ang alak na nasa bote. It is not working. It's not numbing the intense pain I'm feeling right now. Tumingala ako sa langit. Tanaw-tanaw ko ang libo-libong mga bituin. Just like that night, hindi rin nagpakita ang buwan ngayong gabi. There they are again. The two brightest stars na nakita ko rin noon. Lolo... Tito Greg... Please help me.

Pumanhik na muli ako sa loob. Nagpalakad-lakad ako sa malawak na living room habang patuloy pa rin sa pag-inom. Napadako ang aking paningin sa may main door. I can still picture her there. Gulat siyang napatingin sa akin nun nang bigla akong sumulpot mula sa basement. Sunod-sunod na nagsulputan ang iba pang mga imahe mula sa panaginip ko ng gabing 'yun. Bakit ang linaw nila sa aking isipan? Bakit ramdam ko pa din ang kanyang mga halik?...her skin against mine. Bakit naaamoy ko pa rin siya sa loob ng aking kwarto? Dahil ba ito sa matinding desperation?

Trish... I need you.

I want you back in my arms. God! I'm so fucking jealous right now!

I'm sorry that I'm having these dreadful thoughts. I just can't pacify myself. This may sound crazy, but I badly want you back.

I want to know that bastard's name. God! You have no idea of the horrible things I want to do to him right now.

I ended up smashing the bottle on the floor. Sunod-sunod ang marahas at mabilis kong paghinga. I'm fucking livid.

Pasalampak akong umupo sa carpeted tiles—my back against the sofa. Dinampot ko ang aking cellphone na nasa center table. I went straight to my phone's gallery.

"Take me back, please," I said as I zoomed in on her photo. "I'll take care of you. I don't think that bastard knows how to. Buntis ka tapos he's not checking on you? Ni hindi nga kita pinapayagan noon na mag-drive dahil maselan kang magbuntis. I can do better, Trish. Get rid of him. Or, do you want me to get rid of him for you? I can do that too."

Nahihibang na ako. Alam ko. But I don't really mind doing horrible things right now to get her back. Should I go rogue?

Naisipan kong tumayo at tumungo na sa aking kwarto. Balak ko munang itulog ang mga samu't saring ideya na naglalaro sa aking isipan. Kung sakaling pagkagising ko bukas ay nandyan pa rin sila, well, pasensyahan na lang. Oh, Matthew! What the hell happened to you?


Daddy...

Isang munting tinig ang pumukaw sa aking diwa. Iminulat ko ang aking mga mata at agad ring ipinikit nang tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Nakalimutan ko yatang ibaba ang block-out curtains ko kagabi. May narinig akong mahihinang giggles kung kaya't pinilit kong buksan ulit ang aking mga mata.

Daddy... There it is again. The little voice.

Nang tuluyan ko ng maibuka ang aking mga mata ay agad kong hinanap ang maliit na boses na 'yun. May narinig ulit akong mahinang giggle kung kaya't agad kong sinundan ang pinanggalingan nito. Dumako ang aking mga mata sa kabilang side ng aking king-sized bed. A baby! A baby girl. Isang sanggol ang nakadapa sa aking kama. She's looking at me. Whose baby are you? Nginitian niya ako habang pinapungay ang kanyang magagandang mga mata. She looks familiar, especially her eyes and the way she smiles.

"Hey, baby, where do you come from?" Kaninong anak ito? Imposibleng kay Manang Celia dahil matagal ng nag-menopause 'yun. Apo kaya niya? Pero imposibleng basta na lamang nila itong ilagay dito.

Maya-maya pa'y tumawa ang sanggol at automatic nitong napagaan ang aking puso. Pinapadyak-padyak pa nito ang maliliit niyang mga paa. Parang gusto nitong makipaglaro sa akin. Ngunit agad akong naalarma nang makita kong tumagilid ito. She's getting closer to the edge. Nang muli siyang gumalaw paikot ay mabilis kong tinawid ang kama para maagapan ang kanyang pagkahulog.

"Ouch...my back." Ramdam ko ang impact ng aking pagkabagsak sa sahig. 

Oh, God! The baby. Agad kong hinagilap ang sanggol. Pero nagulat ako nang mapansin ang madilim na paligid ng aking kwarto. 'Di ba't kani-kanina lang ay maliwanag ito? And the baby—she's gone.

A dream. Panaginip lamang pala 'yun. Inaalala ko ang mukha ng sanggol. She looked like an angel. She looked...like her? Naalala ko na. She looked familiar because the baby resembled her—particularly her eyes and her smile. And she called me 'Daddy'. Dahil ba ito ang ninanais ko kung kaya't 'yun ang naging laman ng aking panaginip? Napabuntong-hininga ako. Hanggang kailan ko ba sasalubungin ang bawat umaga ng ganito? Umpisa pa lamang ng araw ay parang pagod na ako. 

Babangon na sana ako para bumalik na ulit sa kama nang may mahagip ang aking mga mata na kumikislap sa ilalim ng aking higaan. Ano 'yun? Sinubukan kong abutin ito pero kinapos ang haba ng aking braso. Kinailangan kong ipasok ang aking ulo para maabot ang kumikislap na bagay na iyon. Nang maabot ito ng aking kamay ay agad na rin akong umatras, tumayo at bumalik sa kama. Nakaupo na ako at nakasandal ang ulo sa headboard nang buksan ko ang aking kamay para matunghayan ang bagay na aking hawak. Ramdam kong gawa ito sa metal.

Pendant. Ito ang bagay na nakuha ko sa ilalim ng aking higaan. Binuksan ko ang aking bedside lamp para masuri itong mabuti. Sun-moon-star pendant. How could this be? Paano ito napunta dito? I flipped the pendant just to confirm. This is it. Ito ang pendant ng kwintas na binigay ko sa kanya. Bigla kong naikuyom ulit ang aking palad na may hawak ng pendant. Agad kong naramdaman ang malalakas na kabog ng aking dibdib. Paanong nandito 'to?

Parang film ng isang classic na pelikula na nag-replay ang mga images sa aking ulo.

"But this isn't real."

Marahas kong pinunit ang kanyang button-up shirt. Naramdaman kong may nagsiliparan nang ginawa ko iyon, but I didn't give a damn. Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.

"Don't cry. I hate to see your tears."

"I'm sorry." Naalala kong sinabi niya.

"Stop saying that too. Stop convincing me that you are real."

Mabilis kong hinagilap ang aking cellphone na natagpuan ko lang din sa ilalim ng aking unan. Agad kong binisita ang Facebook account ng kaklase namin na nag-organize nung mini-reunion. Alam kong nag-upload siya ng mga photos ng ganap na 'yun pero hindi ko na tiningnan isa-isa. Sisidhi lamang kasi ang aking pangungulila sa kanya. Positive. May iilang photos kung saan makikita mong may suot siyang kwintas ng gabing 'yun. May dalawang litrato kung saan nakasilip ang pendant ng kanyang kwintas. Ito 'yung pendant na 'yun. 

It was real. Agad na tumulo ang aking mga luha. She was here that night. We made love that night. Hinayaan kong pumatak nang pumatak ang aking mga luha.

"What are you up to, Trish? Why didn't you say anything sa dalawang beses nating pagkikita mula ng gabing 'yun? What are you planning to do?"

I made a few phone calls before I hit the shower.

Not again. Never again, Trish.

Habang nasa ilalim ng shower ay muling tumulo ang masagana kong mga luha. Paano niya ako nalinlang ng ganito? Balak mo ba akong linlangin hanggang dulo? Pero hindi kita pagbibigyan. Hinding-hindi na.

Oh, and by the way? Hindi ko na pala maitutuloy iyong mga bagay na naisip kong gawin kagabi. That would mean suicide, right?


◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon