"Mahihilo na kayo n'yan sa kaiikot. Maupo na muna kayo, Phoebe, Matthew."
Sinaway na kami ni Tita Meldy. Pareho kasi kami ng aking ina na hindi mapakali. Nasa labas kami ng delivery room. Thirty minutes na rin ang nakalipas mula ng pumasok doon si Tricia. Napakawalang-silbi ko talaga. Hindi ko pa rin kayang mag-stay sa loob. Nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod at pinagpapawisan ng malamig. Ang ina ko naman ay ganoon din. Mukhang aatakihin pa nga 'ata ito sa sobrang nerbiyos.
"Pasensiya ka na, Meldy. Kinakabahan ako para kay Tricia. Naalala ko pa ang hirap ko noon when I gave birth to Lance. I'm excited pero mas kinakabahan ako."
"Naiintindihan kita pero kailangan mong kumalma. Namumutla ka na o."
Pinili kong pumirmi na muna sa isang sulok, malapit lamang sa may pintuan ng delivery room. Ang aking ina naman ay umupo na rin sa tabi ni Tita Meldy. Bilib naman ako sa aking ama na siyang may hawak sa anak kong si Zach. Kandong-kandong niya ito habang tulog at pati nga yata ito ay nakaidlip na rin. Mag-aalas onse na ng gabi.
Sabay kaming napatakbo palapit sa pintuan nang makarinig kami ng iyak ng baby. Pati ang ama ko na akala ko'y tulog ay nakitakbo rin.
There she is. My precious baby girl. She looks like little Tricia. Sobrang nagagalak ang aking puso. Parang may puwang dito na biglang napunan. Pangungulila na biglang naibsan. Salamat sa iyong pagdating mahal kong anghel. Nakita kong napaluha ang aking ina habang pinagmamasdan ang apo through the glass door panel. Ang ama ko naman at si Tita Meldy ay bakas din sa mga mukha ang kasiyahan. Si Zach ay mahimbing pa rin ang tulog. Curious ako sa magiging reaksyon nito 'pag nakita ang kapatid.
~~~~~~~~
"Zach! Zoey! Antayin ninyo ako."
Rinig ko ang hingal sa boses ng aking ina habang nakipaghabulan ito sa kanyang mga apo—edad walong taon at 18 months. Blessing ngayon ng bagong bahay na binili namin ni Tricia. Lumalaki na ang aming binubuong pamilya kung kaya't nagdesisyon kaming lumipat na sa mas malaking bahay. Kasama sa aming paglipat si Tita Meldy na noong una ay nag-alinlangan pa. Labag kasi sa loob nito na iwan ang bahay na ipinundar nila ni Tito Greg. Nang mangako si Tricia na lagi nilang dadalawin ang bahay nilang ito ay napapayag na rin niya si Tita.
"Matt..." Narinig kong tawag ni Tricia. Nakatuon pa rin sa mag-lola ang aking atensyon kung kaya't hindi ko napansin ang kanyang paglapit.
Niyakap ako ni Tricia mula sa likuran sabay patong ng kanyang baba sa aking balikat. Sabay na naming pinagmamasdan ang maglola na naghaharutan sa damuhan.
"Such a beautiful sight," nakangiti niyang turan.
"I know," I replied. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok.
"They are waiting inside." Ang mga kaklase namin noong high school at iilang kaklase noong college ang tinutukoy ni Tricia.
"Okay, 'lika pumasok na tayo sa loob," tugon ko.
Sakto namang papalabas ng bahay si Tita Meldy at patungo sa kinaroroonan namin. Agad itong napangiti nang makita ang mag-lola.
"Mukhang nagkasiyahan na sila ah, makasali nga," natatawang turan ni Tita Meldy.
"Go, Ma, pero ingatan ang mga tuhod at alam mo naman na hindi na gaanong malakas ang mga 'yan," paalala ni Tricia.
"Naku, 'wag mo akong alalahanin anak. Kayang-kaya ko pa ito. Singlakas pa ako ng kalabaw."
"Sige po, kayong bahala," natatawang sagot ni Tricia.
Tuluyan na kaming pumanhik sa loob.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...