"Can I kiss you?"
"Is that the sparkling wine talking?"
"No..." I answered under my breath. My heart is beating erratically. "It's my heart. Mahal kita."
She wasn't surprised. Mariin niya akong tinitigan.
"Don't do something you might regret."
"I won't ever regret loving you." Hindi ako makapaniwala na ganun ko lang kadali na naipahayag ang aking damdamin. Iyon marahil ay dahil hindi man lang nagpakita ng kahit katiting na pagkagulat si Tricia. She knew all along.
"I am broken, Matt."
"You are not. Maaaring ganun ang pakiramdam mo, pero ang totoo n'yan, you are just being polished."
"You deserve better."
"You are more than what I deserve. Wala pa akong nakikita na mas hihigit sa'yo."
"'Yun ay dahil sa akin lang nakatuon ang atensyon mo."
"Sa tingin mo ba wala akong nakakasalamuha na ibang babae?"
Hindi na siya sumagot. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata. Malamlam ito.
"Mahal kita, Trish. Matagal na. Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon na mahalin ka sa paraang mas higit pa sa kung anong meron tayo ngayon?"
"I don't want to disappoint you, Matt."
"You will never."
"Masyado pang maaga para sabihin mo 'yan."
"If ever you disappoint me, I won't complain."
"Can you just love somebody else?"
"Sana nga ganun lang kadali 'yun. Pero habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo."
"What did I do?"
"Nothing. You're just being you."
Ilang minuto pa kaming nagtitigan.
"I love you," bulong ko.
Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. She closed the gap between our lips. We kissed. Hindi ko kayang ipaliwanag ang aking nararamdaman. Basta't ang alam ko sobrang nagagalak ang aking puso.
"You better not regret this," she whispered in the midst of our kiss.
"I would never regret a dream come true," tugon ko sa kanya.
Hindi ko na namalayan pa ang mga lumipas na segundo at minuto. Naging malalim ang aming palitan ng halik. Maya-maya pa'y buhat-buhat ko na siya papasok ng villa. Tinunton ko ang direksyon ng ginagamit kong kwarto tuwing nandirito ako. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama. Napansin kong bahagya siyang nanigas nang lumapat ang kanyang likuran sa higaan. Did it trigger an awful memory? Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang tuluyan ko na siyang maihiga.
"Please open your eyes for me," pakiusap ko habang dinadampian ko ng halik ang kanyang mga talukap. Agad din naman niya itong ginawa. May namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"This is me. I won't hurt you," malumanay kong sabi. Ginantihan niya ng matipid na ngiti ang aking sinabi.
"Just for tonight, can you not think of anything or anyone? Just me. Please give this night to me."
Mahina siyang tumango habang nakatitig pa rin sa akin.
"I love you, Trish." She smiled. I wish she could say it back. Pero handa akong maghintay.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...