Morning sickness—dapat all day sickness ang tawag dito. Pang-3rd experience ko na ito pero hindi ko yata 'to makakasanayan talaga. Mahirap pa rin every time. Sinipat ko ang digital clock na nakapatong sa bedside table—almost noon. Mabigat ang aking pakiramdam kahit nakatulog naman ako matapos akong mag-almusal kanina.
Dahan-dahan akong bumangon. Kailangan kong kumain sa oras alang-alang kay baby. Sana makayanan ko ang ordeal na ito. May tao na umagapay sa akin noong mga nauna kong pagbubuntis kung kaya't hindi naging ganun kahirap 'yun. This time, kailangan kung harapin itong mag-isa—at dapat kayanin ko.
Maya-maya pa'y lumabas na ako ng aking silid. Madalas tapos ng magluto si Mama ng ganitong oras. Nagtaka ako nang hindi ko makita si Zach sa sala. Mahilig kasi itong tumambay dito para manood ng cartoons. Nasa kwarto kaya niya ito? May nauulinigan akong nagluluto sa kusina. Naisipan kong tumungo doon at may naaamoy akong masarap.
"Ma..." tawag ko pagkapasok ng kusina. Ngunit nagulat ako nang hindi ko masilayan ang aking ina. Bagkus, isang malapad na likod ang tumambad sa akin. Likod ng lalaki. Ilang beses akong kumurap. I know this back. I know it too well. Lumingon ito. Matt!
"Hi..." bati nito sa akin kasabay ang pinong ngiti. "How was your sleep? Give me five more minutes, ihahain ko na 'tong lunch natin."
Oh, God! Nag-hahalucinate na rin ba ako? Or panaginip ba ito? There's no way this is real. Tumalikod ako at humakbang pabalik sa sala. I need to wake up.
"Trish..." He calls me. Please Tricia, wake up!
"Ma! Zach!" Inignore ko ang boses na 'yun, and instead hinanap ko ang mga totoong kasama ko dito sa bahay.
"Tricia..." Sinundan ako ng may-ari ng boses. Nang mapansin kong papalapit na ang kanyang mga yapak ay naisipan kong tunguhin ang aking kwarto. Ngunit bago pa man ako makarating sa pinto ay muli itong nagsalita.
"Stop!" May kalakasan nitong wika, halos pasigaw. Dama ko ang impatience sa boses nito.
"Why are you running?"
No, I am not—pangungumbinsi ko sa aking sarili.
"So, what was your plan? Run away? Hide my child from me?"
Parang biglang may bumara sa aking lalamunan nang marinig ko ang sinabi niya. This dream is getting terrifying.
"Kaya ka ba nandun sa area na 'yun kahapon? You went to the embassy?"
How did he figure it out? Please...someone. Help me. Wake me up.
"Switzerland? Hmm...beautiful place."
I can hear him flipping some pages. My brochures. Malamang napansin niya itong pakalat-kalat sa sala.
"Dito mo ba binalak magtago?"
Please...please... This can't be real. I can't let this be real. Please...
"Kung nakuha mong ilihim kay Jackson ang pagbubuntis mo kay Zach noon, sa akin hindi mo 'yan pwedeng gawin. Magkaiba kami, Trish."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Is it really real? This is not a dream? Nandito siyang talaga sa pamamahay ko? Why? Bakit ngayon pa?
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Ito ang unang mga salita na naisipan kong bitawan.
"Then, kausapin mo ako. Make an effort to convince me na walang katuturan ang mga pinagsasabi ko."
"How can I convince you?"
"With the truth."
Pinilit kong lunukin ang nakabarang hangin sa aking lalamunan. Maingat akong nagpunas ng mga luha. I have to fix this as soon as possible. Kahit hindi ko alam kung kakayanin ko, pinili kong humarap sa kanya. God! Parang gusto ko nalang ding tumalikod muli. He looks so fine. Although may pagka-intimidating ang aura niya ngayon. He looks like someone who is determined to squeeze the truth out from me.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...