Chapter 32: Chaos (Trish's POV)

90 15 15
                                    

Nakaidlip ako sa sofa habang nagbabasa ng parenting book. Naalimpungatan ako nang may marinig akong commotion mula sa labas.

"Romy naman, parang hindi mo ako kilala. Ibababa ko lamang sa dining itong dala ko." 

"Akin na't ako na ang magdadala n'yan sa loob."

"Hindi na. Kaya ko na ito."

Dalawang boses ng babae ang naririnig kong nagsasalita sa labas. Parang nasa bungad lamang ito ng pintuan nitong villa. Nabobosesan ko si Manang Celia...at 'yung isa— Agad akong nakaramdam ng kaba. Narinig ko na ang boses na iyon.

"Phoebe, pakiusap umalis ka na." Boses naman ni Manong Romy ang narinig ko. Hindi ako nagkamali. Boses nga ng mommy ni Matt ang isa sa boses na narinig ko kanina.

"Wala akong masamang pakay."

"Kabilin-bilinan ni Lance na huwag kang papasukin dito." Si Manang Celia ulit ang nagsalita.

"Ina niya ako. Hindi naman tamang ipagtabuyan n'yo ako..." May himig pakiusap na wika ng ina ni Matt.

"Sinusunod lamang namin ang habilin ni Lance. Huwag mo sanang masamain, Phoebe." Si Manong Romy ulit.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at dahan-dahan na lumapit sa main door.

"Pangako, hindi ako magtatagal. Ibibigay ko lamang itong ulam na niluto ko—"

May narinig pa ulit ako na parang may nag-aagawan sa may pintuan bago ito tuluyang bumukas.

Apat kaming parehong nagulat. Nakita ko si Manang Celia at ang mommy ni Matt na parehong hila-hila ang magkabilang hawakan ng isang shopping bag. Habang si Manong Romy ay sa manggas naman ng damit ng mommy ni Matt nakahawak.

"Tricia, naku, pasensiya ka na," si Manang Celia ang nagsalita. Tuluyan na nitong kinuha sa mommy ni Matt ang shopping bag.

"M-May dala akong ulam," medyo may pagka-awkward na wika ng mommy ni Matt. Umayos ito ng tayo.

Si Manong Romy naman ay napakamot ng ulo.

Itinaas ko ang aking kanang kamay para bumati.

"H-Hello po," awkward kong wika.

"Naku kahit kailan talaga itong si Phoebe. Malilintikan kami ng anak mo dahil dito sa ginagawa mo eh," may halong inis na sabi ng maybahay ni Manong Romy. 

Medyo nagtaka ako sa paraan ng pakikipag-usap ni Manang Celia sa mommy ni Matt. Mukhang matagal na itong magkakilala. Hindi lang basta kilala, kundi kilala on a personal level. Sopistikada tingnan ang mommy ni Matt. Unang tingin mo pa lang dito mahahalata mo na agad na may sinasabi ito sa buhay. Ngunit parang balewala ito kay Manang Celia, ganun din kay Manong Romy.

Nagtungo sa dining si Manang Celia at agad namang bumuntot ang mommy ni Matt. Tumingin sa akin si Manong Romy. Naaaninag ko sa mga mata nito ang paghingi ng paumanhin. Nginitian ko na lamang ito. Tinungo na rin nito ang dining.

Kabado man ay pinili ko pa ring sumunod sa kanila. Naabutan kong naghahain si Manang Celia para sa pang-apat katao. Nakita kong nilabas din nito ang pyrex na nasa loob ng shopping bag na kanina lamang ay pinag-agawan nila ng mommy ni Matt.

"Pork ribs sinigang na may gabi itong dala ko," wika ng mommy ni Matt, sabay sulyap sa akin. "Nung pinagbuntis ko noon si Lance ito ang nakahiligan kong kainin."

Facts. Mahilig si Matt sa maaasim na pagkain.

"Thank you po," ito na lamang ang aking naisagot. Wala akong mahagilap na pwedeng sabihin. I didn't expect that this situation would come sooner, although alam ko naman na mangyayari at mangyayari ito.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon