"Jackson?!"
Ramdam ko ang biglang pagkabalisa ni Tricia.
"M-Ma...please hide Zach..." nauutal niyang pakiusap kay Tita. Mabilis na ipinasok ni Tita Meldy si Zach sa kanyang silid.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Tricia. Nanlalamig ito.
"Hey, ako nang haharap sa kanya. Dito ka lang," wika ko. Hindi siya makasagot. Namumutla na rin siya. Biglang umusbong ang galit ko kay Jackson at may kasama na ring panibugho dahil hanggang ngayon ay may ganito pa rin siyang epekto kay Tricia.
"Stay here," sabi ko ulit sa kanya. Bago pa ako makalabas ng pinto ay biglang sumigaw si Jackson.
"Tricia! Tricia, kausapin mo ako. I need to see my son!"
Napaatras si Tricia nang marinig ang huling sinabi ni Jackson. Napatiim-bagang naman ako. Tuluyan na akong lumabas ng pinto para harapin ang tampalasan na bisita.
Malalaki ang mga hakbang na tinumbok ko ang gate. Hindi ko na ito kailangan pang buksan dahil mababa lang naman ang gate nila Tricia at kitang-kita mo ang tao sa labas.
"Gabi na tapos nagsisigaw ka! Wala ka bang manners talaga?"
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap. Si Tricia ang gusto kong humarap sa akin."
"I don't think hahayaan kong mangyari 'yun."
"Kailangan kong makita ang anak ko..."
"Anak mo? Naliligaw ka 'ata. Walang ni isa man sa pamamahay na'to ang related sa'yo."
"Hindi mo pwedeng ipagkait sa akin ang anak ko, Avida! Sigurado ako na ako ang ama niya. Akala mo ba hindi ko malalaman na nagkaanak kami?"
Gustong-gusto ko na siyang bigwasan sa mukha. Ang kapal naman ng apog ng hayop na ito na magki-claim ng anak sa kabila ng ginawa niya kay Tricia.
"Hindi ko alam kung anong klaseng masamang hangin ang nagbulong sa'yo ng walang kabuluhang bagay na 'yan pero isa lang ang nasisiguro ko, wala kang anak dito."
"Akala mo ba wala akong pruweba na nagkaanak kami?"
Dinukot ni Jackson ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon at may hinagilap ito. Maya-maya pa'y ipinakita niya sa akin ang larawan ni Tricia kung saan buhat-buhat nito si Zach. Mukhang sa mall kinunan ang litrato.
"Nag-imbestiga ako. At base sa nakuha kong impormasyon, sigurado akong sa akin ang batang 'yun. Marunong akong magbilang, Avida. Tugma ang araw ng kapanganakan niya sa kalkulasyon ko. Ako ang nakauna kay Tricia."
Nangangati na ang kamay ko na buksan ang gate para paulanan ng suntok ang demonyong ito. Pero bago ko pa 'yun magawa ay naramdaman ko si Tricia sa aking likuran.
"Umalis ka na!!" mariin niyang taboy kay Jackson.
"Tricia, please... Karapatan ng anak ko na makilala niya ako bilang kanyang ama. Kahit ito man lang, pagbigyan mo na ako. Alam kong nagkasala ako sa'yo pero totoong mahal kita. You have no idea kung gaano ako kasaya nang malaman kong nagkaanak tayong dalawa."
"Hindi ka ba nakakaintindi?" Hindi ko napigilang sumabat. "Wala kang anak dito. Kung totoong nagpa-imbestiga ka, sana nalaman mo rin na ako ang ama ni Zach. Gamit ang connections mo, madali lang naman mag-request ng birth certificate. Malinaw na nakasaad doon na ako ang kanyang ama."
"Hindi mo pwedeng gawin 'to sa akin, Avida. Hindi mo pwedeng angkinin ang anak ko. Akala mo ba magtatagumpay ka? Let the DNA test decide."
Hindi ko napigilang suntukin ang gate nang marinig ko ang sinabi niya. Nagkakasubukan kami ng tingin. Hindi ko man direktang nakikita, alam kong nababalot ngayon ng takot si Tricia.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...