Wala si Tricia pagbalik ko sa pwesto namin sa loob ng cafe. Nakita ko ang kanyang denim jacket na nakasukbit sa kanyang upuan. Lamigin si Trish kaya lagi kaming may dalang jacket. At ngayong buntis siya, mas kailangan niya ito. Nagpalinga-linga ako, hanggang sa mapako ang aking mga mata sa mini-garden na natatanaw lamang mula sa aming pwesto. Biglang kumabog ang aking dibdib nang mapansin kong may kausap siyang lalaki. Pamilyar sa akin ang pigura na iyon kahit pa nakatalikod ito. Jackson! Dali-dali kong kinuha ang jacket at agad na nagtungo doon. Iilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila nang biglang yakapin ni Jackson si Tricia. Pareho kaming nagulat.
"Matt..." Narinig kong tawag ni Tricia sa aking pangalan. Kaagad rin naman na bumitaw si Jackson.
"I'm sorry, I'm just so happy," narinig kong wika nito. Happy? Anong sinabi sa kanya ni Tricia?
"Avida..." pag-acknowledge nito sa akin.
Saglit ko lamang itong pinukol ng tingin at agad na akong lumapit kay Tricia. Tumabi si Jackson para magbigay-daan sa akin.
"Wear your jacket, it's getting cold," wika ko habang isinusuot kay Tricia ang kanyang jacket.
"Thank you." Matamis na ngiti ang isinukli ni Tricia sa akin.
"Are you two done talking? We have to go." Kay Jackson ako nakatingin.
"Yeah, we are good," tugon nito.
Hawak-hawak ko na si Tricia pabalik sa loob ng cafe. Bago kami tuluyang makalayo nagsalitang muli si Jackson.
"Tricia..."
Sabay kaming napalingon ni Tricia.
"Thank you. Thank you so much."
Matipid na ngiti at marahang tango ang isinukli ni Trish dito.
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Parang naninikip ang aking dibdib.
Hindi na rin kami nagtagal sa cafe. Pagkatapos mai-serve sa amin ang to-go na cinnamon rolls na inorder ni Tricia ay umuwi na rin kami. Tahimik lamang ako na nagmamaneho. Alam kong nakikiramdam lamang si Tricia sa akin.
Around 6 p.m. nang makarating kami sa bahay. Saktong maghahain na ng hapunan si Tita Meldy kaya't sa hapag kainan na kami dumiretso. Habang kumakain ay casual lamang ang aming mga naging usapan. Hinintay kong magkwento si Trish tungkol sa encounter namin kay Jackson, pero hindi niya ginawa. Somehow, alam ko kung bakit. Unlike Trish, hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang patawarin ni Tita Meldy si Jackson. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa tuwing masisilayan niya ito, mapa-TV man o print ads.
Pagkatapos kumain ay nagprisinta akong magligpit ng aming pinagkainan. Sinamahan ako ni Tita Meldy. Gusto rin sanang tumulong ni Tricia pero pinagbawalan namin. Nakita ko siyang sumimangot. Cute. Pero naalala kong bigla ang tanawing nasaksihan ko kanina sa cafe kaya't napa-pout na rin ako. Hindi pa rin mapakali ang aking puso.
Bandang alas nuwebe nang inaya ko ng magpahinga si Tricia. Habang nasa shower siya ay inayos ko na ang aming higaan. Nang matapos ay ako naman ang pumalit sa shower. Ibinilin ko sa kanya na inumin ang vitamins na nilagay ko sa bedside table bago siya humiga.
Inaasahan ko na natutulog na siya nang lumabas ako ng banyo, pero nagulat ako na nakaupo pa rin siya sa kama—nakasandal ang ulo sa headboard. Wala na ang vitamins na nakapatong sa bedside table.
"Ba't 'di ka pa natutulog?" tanong ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng bathrobe. Hindi sa may insecurities ako sa katawan pero 'pag ganitong tinititigan niya ako para akong kinu-kuryente na ewan. Nang hindi siya sumagot ay tumungo ako sa closet para kumuha ng pantulog. Nakatalikod ako habang nagsusuot. Ramdam ko pa rin ang mga titig niya dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Nang makapagbihis ay tumungo ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...