Malawak ang aking mga ngiti nang marinig ko ang usapan nina Tita. I didn't mean to eavesdrop, pero nag-alala kasi ako kay Tricia. Gusto ko siyang saklolohan kung sakaling ulanin siya ng mga tanong ng kanyang ina. Pero nakakataba ng puso na marinig mula kay Tita Meldy ang mga salitang 'yun. Alam ko namang noon pa ma'y magaan na talaga ang loob niya sa akin. Ngunit hindi ko sukat akalain na matapos ang lahat ng nangyari ay makukuha ko pa rin ang kanyang boto.
Bumalik na ulit ako sa sala. Hinayaan ko na munang mag-usap pa sina Tricia at ang Mama niya. Itinuon ko ng muli ang aking atensyon sa pakikipaglaro sa anak kong si Zach.
Kinagabihan. Ramdam ko ang mga mata ni Tricia na nakasunod sa bawat kong galaw habang nag-aayos ng aming higaan. Maya-maya pa'y inaya ko na siyang mahiga sa kama. Hindi naglaon ay tumabi na rin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
"What are you thinking?" tanong ko.
Umiling siya.
"C'mon, tell me."
"I'm worried, no—I'm scared," mahina niyang wika.
"I know," malumanay kong tugon. "And that's why I need to fix this mess as soon as possible. Nakakasama sa'yo at kay baby ang masyadong nag-iisip."
"Hindi ko kayang i-imagine 'yung galit na nararamdaman ngayon ng pamilya mo, Matt. Sorry...pero sumasagi pa rin sa isip ko na sana hindi mo na nalaman na buntis ako. Sana hindi mo na na-figure out na totoo ang namagitan sa atin ng gabing 'yun. Sana nananatili na lamang 'yung panaginip sa alaala mo. Sana—"
"Tama na..." pigil ko sa anupaman na sasabihin ni Tricia. "Lahat ng sana na nabanggit mo at babanggitin pa lang, ipinagpasalamat kong hindi nangyari lahat 'yun. Kahit hindi ko pa na-figure out na totoo ang namagitan sa atin ng gabing 'yun, desidido na akong may gagawin. Hindi ko pa lang sigurado kung up to what extent...pero kahapon nang malaman kong buntis ka, para akong masiraan ng bait. Hindi ko kaya. I know it doesn't makes sense kasi ako naman 'yung umalis, pero I realized na hindi ko kayang makita kang nasa piling ng iba. I know, I sound like a jerk for saying that."
"Masaya akong nandito ka—sobra. It felt surreal. Pakiramdam ko'y para pa rin akong nananaginip," madamdaming pahayag ni Tricia. "But, this is wrong... I'm sure mainit na usapin ngayon ang pagka-cancel ng engagement mo. Paano mong haharapin 'to, Matt? May kaya ba akong gawin para sa'yo?"
"You are already doing it," nakangiti kong tugon. "Sapat na sa akin ang makitang masaya kang makapiling akong muli. 'Yun lang naman ang kailangan ko—ang tanggapin mo akong muli sa buhay mo."
"Matt..."
Dinampian ko ng pinong halik ang kanyang mga labi.
"Huwag ka ng mag-alala. I can handle this. Mas may dahilan na ako ngayon para magiging matatag. Ipaglalaban na kitang muli at hindi na bibitaw pa. Pangako 'yan."
Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha. Agad ko rin itong pinunasan. Kasunod nun ay ang pagsiil ko sa kanya ng halik. I need to take her thoughts off of where they are now.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay mapungay kong sinalubong ang kanyang mga mata.
"I was rough that night, wasn't I?" Alam kong agad niyang nahulaan ang aking tinutukoy. Napansin ko ang agad na pamumula ng kanyang pisngi.
"I have no idea what you meant," pagdi-deny ni Tricia, sabay iwas ng tingin.
"You're blushing," panunukso ko pa.
"Nope." Naka-pout niyang tugon.
"I love you." Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin. She kissed me...passionately.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...