Chapter 16: Disoriented (Trish's POV)

17 1 0
                                    

Three years later...

That day, a part of me died, and a little more as time passed. For the past 3 years, I've felt like I've been merely surviving. If it weren't for my mom and my son, I would prefer to be somewhere else than here. Masyadong maraming alaala—way too much for my sanity.

Sabi nila, habang lumilipas ang panahon, unti-unti ring naghihilom ang sugat. Hindi pala applicable sa lahat ng klaseng sugat 'yun. Habang lumilipas kasi ang panahon lalo lamang kumikirot ang sugat na 'yun. Pakiramdam ko nga lumaki at lumalim pa.

Natanong ko ang aking sarili. Matagal ba siyang nagtiis sa tabi ko? Matagal na ba siyang nagdurusa habang kasama ako? Kaya ba nung umalis siya ay hindi na siya lumingon pang muli?

Patawad... Ito ang lagi kong usal sa mahigit isang libong gabi na nagdaan. Patawad kong sinayang ko ang pagkakataon na makasama ka pa sa mahabang panahon.

Six months matapos siyang umalis, nabalitaan kong kasintahan na niya si Alexa. Nakuha ko ang balitang ito sa mismong Facebook post ng kanyang ina. He looked fine in that photo. They looked good together in that photo—him and Alexa.

Perfect match...

A match made in heaven...

Destined to be...

Iilan lamang ito sa mga comments na nabasa ko. At kahit pa umaagos ang aking mga luha habang binabasa ang mga iyon, hindi ko naman mapigilang huwag mag-agree. They seem like a perfect fit. Perfect for each other.

They've been to places. Celebrated anniversaries, birthdays, holiday seasons, and other special occasions. Katagalan, habang tinititigan ko ang kanyang larawan, pakiramdam ko, what we had was just a figment of my imagination. He is now beyond my reach. 

Madalas 'pag napapadako ako sa mga lugar na pinuntahan namin, naiisip ko na baka panaginip ko lamang ang mga 'yun. Ang pinakamasakit sa lahat ay 'yung kailangan kong magkunwari sa harapan ng mga taong nakakilala sa amin. Sila kasi ang nagpapatunay na hindi ko lamang imahinasyon ang samahan namin noon. Madalas pa rin nila akong tinatanong tungkol sa kanya. At kailangan kong magkunwari na alam ko ang mga nagaganap sa buhay niya. Mas madali kasing magsinungaling kaysa magpaliwanag. Nitong huli, kusa na akong umiiwas. Lalo lamang kasi akong nasasaktan.


Nasa isang coffee shop ako nang may nag-flash sa screen na isang breaking news. 

The only heir of the Avida Group of Companies, Matthew Lance Avida, is getting married soon. The couple shared news about their engagement ceremony, which will happen in a month or two. Details are still being discussed.

Iyon ang buod ng breaking news. Sumunod na nag-flash ay ang quick interview wherein the couple confirmed their marriage plans.

He's back... Hindi ko man lang nabalitaan kung kailan siya nakabalik.

Naisipan kong umuwi ng maaga. I don't think I could pull off a face matapos kong mapanood ang balitang 'yun. Nagulat si Mama nang makita niya akong maaga umuwi. Ganunpaman ay hindi na siya nag-usisa pa. Alam kong ramdam ng aking ina ang paghihinagpis ng aking puso. Batid ko na gumagawa siya ng paraan para mapagaan ito. Gaya na lamang ng pagpapakilala niya sa akin sa mga lalaking anak ng kanyang mga kaibigan. Ipinapakilala niya ako dun sa mga lalaking sa tingin niya ay eligible. But no one comes close—so far. Hindi ko naman tuluyang isinasara ang aking puso.

Nasa sala kami nang muling ipakita ang 'engagement news' ni Matt. Parang pinipiga ang aking puso nang marinig ko si Zach na nagsalita.

"Dada..." sambit niya nang makita si Matt sa screen. "Mommy, look! Dada is on the TV!" excited niyang dagdag.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon