Chapter 19: The Past (Trish's POV)

99 16 15
                                    

Ang hirap. Mas lalong tumindi ang pangungulila ko sa kanya ngayon. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng gabing 'yun. Siguro nga'y isang panaginip lamang para sa kanya ang nangyari. Masakit isipin na kinamumuhian niya ang presensya ko. Masakit isipin na kailangan n'yang lunurin sa alak ang sarili niya para makalimutan ako. He's trying his best to let go of whatever we had. 

Marahil ay isinusumpa niya ang mahigit isang dekada na magandang samahan namin. Masama ba ako? Isang malaking pagkakamali ba na pinakawalan ko siya para ma-explore niya ang mundong ginagalawan? O sadya bang hindi kami para sa isa't isa? Marahil nga. Marahil ito talaga ang landas na nakalaan sa aming dalawa. Dapat nga siguro ay isara ko na ang huling pahina ng aming aklat. Dapat siguro'y kalimutan ko na ang mga samu't-saring alaala na nakapaloob doon. Paano ba mag-umpisang muli? Paano ba ako mag-umpisang mamuhay na wala ang alaala niya?

Siguro'y uumpisahan ko sa pamamagitan ng pagsubsob sa trabaho. Sisikapin kong 'wag siyang isipin. Siguro'y ikukulong ko na muna ang aking sarili. Ngunit paano ba? Kung sa mismong pamamahay namin ay punong-puno ito ng alaala niya. Naging dependent ako sa kanya, kaya siguro ganito kahirap ang lahat. Pero sisikapin ko. Sisikapin kong makalimot.


But I guess not today...

Narinig kong tumunog ang wind chime kung kaya't napatingin ako sa entrance ng shop. Kasabay ng magandang huni ng chime ay ang pagbungad sa akin ng kanyang magandang mukha. Matt... Nagtagpong muli ang aming mga mata matapos ang dalawang linggo. Pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba this time. Hindi siya lasing sa pagkakataong ito.

Maya-maya pa'y isang babae ang sumulpot sa kanyang tabi na nagpakirot ng aking puso. Alexa—his girlfriend. Bakit sila nandito? Will I witness a real-life scene na madalas sa telebisyon ko lang napapanood? Nalaman kaya ni Alexa ang nangyari two weeks ago? Sasabunutan ba ako nito? Kakalbuhin? Hindi ko mapigilan na hawakan ang aking lagpas balikat na buhok.

Mabilis akong nag-rehearse ng pagbati na gagawin ko sa kanila. I'm praying na hindi ako magmumukhang awkward. Relax, Tricia...

"Welcome..." ani ko kasabay ang malawak na ngiti. Kay Alexa ako nakatingin. Hindi ko kayang titigan ng matagal si Matthew. 

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Ngunit agad din itong humupa nang malaman ko ang kanilang sadya. Kaninong ideya kaya ito? Sa kanya? Bakit? Para mas lalo akong saktan? Hindi kalakihan ang flower shop ko para dito nila maisipang pumunta. Sa dami ng alipores nila, hindi rin kailangan na sila mismo ang mag-asikaso ng flower decors ng engagement ceremony nila. Masakit na he hates me this much. Ito 'yung klase ng sakit na pipiliin mo na lang na sampalin ka ng paulit-ulit.

"Which one should we pick, babe?" narinig kong tanong ni Alexa kay Matthew habang nagtitingin sila sa brochure na inabot ko.

Babe... Pati endearment nila bagay sa kanilang dalawa. They look really good together. Their aura screams elegance, sophistication, and wealth. Kung hindi lang dahil sa past namin ni Matt baka hihilingin ko sa kanila na magpapicture para i-display ko dito sa shop. Siguradong hahakot 'yun ng maraming customers.

"Pick whatever you want," tugon ni Matthew. Typical billionaire behavior... 'Yung tipong add to cart mo lahat, ako nang bahala. If he's bald and old, iisipin ko sanang legit sugar daddy. Napangiti ako nang may sumagi sa aking isipan na isang alaala.

"Or you can ask the florist... I guess she knows better?" 

Bahagya akong nagulat nang sa akin na nakatuon ang kanilang atensyon. Kung saan-saan kasi nagsusuot ang aking utak. Pinili kong magpaka-professional sa pakikipag-deal sa kanila—the same way I do with the rest of my clients. Nang finally may napusuan na si Alexa ay unti-unti na akong nakahinga ng maluwag. Lalo na nang marinig ko siyang magpaalam. Pero panandalian lang 'yun. Hiniling ni Matthew na mauna na ang kanyang nobya sa sasakyan.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon