FLASHBACK.
Nakakahiya. Hindi dapat ako nakaramdam ng ganito. Alam kong funeral ang dahilan nang biglaang pagpunta ng pamilya ni Matt sa US two weeks ago. Pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa dibdib. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang matinding insecurities. Magwa-walong taon na ang pagkakaibigan namin ni Matt at ni minsan ay hindi ko naramdaman sa presence niya na malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Noong una ay akala ko nag-i-exert lang talaga siya ng effort para masabayan ang status ko, pero later on, narealize ko na likas talaga sa kanya ang kakayahang makibagay.
Habang pinagmamasdan ko ang larawan nila ni Alexa na in-upload ng kanyang mommy ay hindi ko maiwasang manliit sa sarili. Bagay silang dalawa tingnan. Hindi nalalayo ang estado sa buhay. Kitang-kita rin sa mga mata ni Matt ang labis na kasiyahan habang kausap ang kanyang kababata. They must have missed each other. High school pa lamang kami nang maikwento niya sa akin si Alexa. Parang kapatid na nga raw ang turing niya dito. Solong anak lang din ito.
Alam kong espesyal ang turing sa akin ni Matt. Pero kung gaano ka-espesyal, 'yun ang hindi ko alam. Mas espesyal kaya ako kesa sa kababata niya? Actually, hindi ko rin alam kung dapat ko bang paghambingin kaming dalawa ni Alexa. Baka pareho kaming espesyal pero magkaibang kategorya? Baka ako sa friend zone at ang kababata niya sa lover zone?
Buong duration ng stay nila sa US ay nakasubaybay ako. Hindi ako sa account ni Matt nakabantay kundi sa mommy niya. Gaya ko, hindi rin mahilig mag-update si Matt ng socmed accounts. Magaganda ang anggulo ng mga photos na inu-upload ng kanyang mommy. Kuhang-kuha ang palitan ng mga magagandang ngiti at tawanan ng magkababata. Hindi mo nga aakalain na recently lang namatayan si Alexa ng magulang. Pero wala ako sa posisyon para mag-judge. May iba-ibang stages ang grief. Right now, she could be in her 'in denial' phase, and Matthew was trying to cheer her up.
Walang pagsidlan ng aking tuwa nang biglang lumitaw si Matt sa aming restaurant. His consistency is the trait I love about him the most. He always puts me before him. Katunayan, halata sa kanyang mukha ang pagod from the long trip, and yet, mas pinili niyang puntahan ako kaysa magpahinga.
I know he misses me the same way I missed him—if not more—nung pinili niyang mag-sleep over. Hindi na bago sa amin ang magkatabi matulog. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng pagkailang. If anything, he makes me feel secure. Unang beses nangyari na magkatabi kaming nakatulog was back in Senior High, Grade 11. Abala kami sa sunod-sunod na school projects nun at madalas siyang makitulog sa bahay. He always occupied the guest room pero one time, ginising na lamang kami ni Mama. Nakatulog kami sa gitna ng aking kama habang parehong may hawak-hawak na libro. Sunod-sunod ang paghingi ng paumanhin niya kay Mama noon na sinuklian lamang ng ngiti ng aking ina. Kagaya ko, batid rin ng aking ina ang kabutihang-loob ni Matt.
Nagsimula akong mangamba nang magbakasyon si Alexa sa private island nila sa Palawan the following year. Hindi naman ako ganun ka-naive para hindi ko mahalata na gusto ng mommy ni Matt si Alexa para sa kanya. Sa bawat araw na lumipas na magkasama sila sa isla hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. What if magkagusto rin si Matt sa kababata? Kahit sa mga photos ko pa lamang nakikita si Alexa, bilang babae, ramdam ko sa mga titig niya kay Matt na may pagtingin siya dito.
Nilamon ng selos ang aking dibdib nang iilang araw ring hindi nakatawag sa akin si Matt. Nakuha naman niyang magpadala sa akin ng texts kung bakit hindi siya makakatawag. One of the reasons was the weather, but most of them were all about Alexa. Kesyo nag-throw ng party ang mommy niya for Alexa and as a host, hindi siya makaalis-alis para magtungo sa lugar kung saan nakakasagap siya ng magandang signal. Isa ring dahilan is yung pag-to-tour around niya sa kababata, pati na ang pagtuturo dito ng iba't-ibang outdoor activities.
Sumagi sa aking isipan ang isang ideya na baka matalik na kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Matt. Sa haba ng pinagsamahan namin at sa espesyal ng pakikitungo niya sa akin, ilang beses akong nakumbinsi na higit pa roon ang relasyon namin o ang nararamdaman niya para sa akin, but he didn't say anything that would confirm it. I thought his actions would be enough, but I had second thoughts nang makita ko kung gaano rin niya intindihin at asikasuhin si Alexa.
It was because of these thoughts that I made the biggest mistake of my life.
"This is unfair, Tricia. You are shutting me down because you are waiting for him to confess?"
"I don't know where you get that idea, Jackson. I'm not waiting for anything, so stop making assumptions."
"Then, why won't you give me a chance?"
"I already told you, it's not you nor Matthew, I'm just not ready to get into a relationship."
"Liar. You can fool everyone around you, even Avida, but not me. My eyes are all on you, Tricia. I laid my eyes on you since Senior High. I saw how you look at him. I know what those looks imply because that's how I look at you."
Gusto kong pabulaanan pa ang sinabing 'yun ni Jackson, but what's the use? Mas nakakapagod magsinungaling kesa magsabi ng totoo.
"Let me help you out, Tricia. I will help you figure out kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa'yo. However, if he won't confess, promise me na bibigyan mo ako ng chance. A chance is all I need. Please."
"What are you talking about?"
"Ako nang bahala. A date. A single date is all I asked. Only if he won't confess. If he does, you have my word, kusa na akong didistansya at hindi na kita guguluhin pa. That's a promise."
Walang araw na hindi ako inuusig ng aking konsensya matapos ang pag-uusap namin na 'yun ni Jackson. Pakiramdam ko naging traydor ako kay Matt. Ilang beses na gusto kong i-confess sa kanya ang ka-petty-han ko. Minsan ko ring kinausap si Jackson na huwag ng ituloy kung anuman ang pinaplano niya. But I'm not going to lie. Part of me really wants to see how Matthew would react sa kung ano mang stunt ang naisip na gawin ni Jackson.
I broke down the day Jackson executed his plan. I didn't expect that he would involve a huge crowd para sa stunt na 'yun. I saw the pain in Matt's eyes, and it kills me. I never saw him so hurt before. I hate myself for doing it to him. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ng mga sandaling 'yun. Gusto kong sabihin sa kanya na palabas lamang ang lahat ng 'yun. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya at tanging siya lang ang may karapatan sa puso ko, wala ng iba.
I wish he did something, too. I wish he fought for me. I wish he had also stood in the middle of the crowd and declared his love for me. Or even brag that we're already in a special kind of relationship. Or if he was hesitant, I wish he had asked me right there and then, 'coz I would gladly say yes in a heartbeat.
But I died a little inside when he seemed to just accept it. He endured the pain and let go. He let me go.
◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...