"I won't be there..."
"I might be overseas sa araw ng kasal niya."
"Sorry, it's kinda complicated to explain. It's been in my plans for a while now, kaya hindi ko basta-basta mababago ang schedule ko."
Hindi ko mawari pero kakaibang kirot sa puso ang aking naramdaman. She's leaving?
Mabilis ko siyang sinundan nang bigla siyang magpaalam. Sa parking lot ko na siya naabutan.
"Going somewhere?" Huminto siya sa paglalakad. "I mean, you mentioned overseas... Is it business-related or for pleasure?" Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong itanong sa kanya. Alam kong wala akong karapatan pero biglang naging balisa ang aking puso. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng matinding pangamba.
Humarap siya sa akin. "Hindi ko naman kailangan sagutin ang mga tanong mo, 'di ba?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napakurap ako. I left without saying goodbye three years ago. She's getting even.
"Tama ka. Just forget that I ask."
God, I've missed her so much! Ang hirap na kaharap ko siya pero hindi ko siya makuhang yakapin na kagaya noon. Ang hirap na nag-uusap kami na parang estranghero.
"I'm sorry." Narinig kong sabi niya. "I'm sorry if I made you uncomfortable earlier."
"You didn't tell them?" I asked. "Pinaniwala mo pa rin ba sila na okay tayong dalawa?"
"I didn't mean to lie. Hindi lang ako handa na sagutin ang mga magiging tanong nila should I have chosen to come clean. Mahirap ipaliwanag kung p-paanong—" Rinig ko ang pagpiyok niya. "Kung paanong basta natapos na lang lahat."
Nasasaktan siya. At masakit pa rin para sa akin ang makita siyang nasasaktan. Bago pa ako makasagot ay tumalikod na siyang muli. Dahan-dahan siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Gusto ko siyang habulin pero pinigilan ko ang aking sarili.
Ilang minuto na akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan, kaharap ang manibela. Nagpapalipas muna ako ng bigat na nararamdaman. Hindi naglaon ay naisipan ko ng lisanin ang lugar. Nagma-maneuver ako nang mahagip ng aking mga mata sa rearview mirror ang nagkukumpulang tao sa isang section ng parking lot. Anong meron? Mabilis akong napatinging muli sa salamin nang mapansin kong andito pa ang kotse ni Tricia. In fact, sa parteng 'yun nagkumpulan ang mga tao.
Mabilis akong bumaba at patakbong tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan ni Tricia.
"Tumawag kayo ng ambulance." Narinig kong sigaw ng isang tao roon.
Oh, God! No! Biglang kumabog ang aking dibdib. Tricia...
Mabilis kong hinawi ang mga taong nandoroon at tumambad sa akin ang katawan ni Tricia na nakahandusay sa semento malapit sa driver's side ng kanyang kotse.
"Excuse me," wika ko at agad kong nilapitan si Tricia.
"Tricia!!" tawag ko sa kanya. Namumutla siya at walang malay. Agad ko siyang binuhat. "She's with me...please give way."
Mabilis kong tinumbok muli ang aking sasakyan. I couldn't get used to this. Ito ang ayaw na ayaw kong nakikita na sitwasyon niya. Maingat ko siyang pinaupo sa passenger seat. Bahagya kong ni-recline ang upuan para mas maayos siyang makaupo. Ten minutes away sa kinaroroonan namin ang hospital at hindi na ako makapag-antay pa ng ambulance na magdadala sa kanya doon. I'm scared as hell.
"Please...h-hold on, Trish," gumagaralgal kong wika. Bakit hindi ko napansin na masama na pala ang kanyang pakiramdam?
Agad siyang inasikaso pagkadating namin sa hospital. Hindi ako mapakali habang naghihintay ng update mula sa doctor na nag-aasikaso sa kanya. Napaka-dragging ng oras na lumipas. Gusto ko ng malaman kung anong lagay n'ya.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...