Chapter 23: Uncertainty (Trish's POV)

32 2 0
                                    

"The engagement is off."

"What?"

He smiled. 'Yung ngiting naniningkit ang mga mata. Is he for real? Paano niya nakuhang ngumiti ng ganito matapos ang binitawan niyang mga salita.

"C'mon, let's have our lunch. Nagluto ako ng steak. Your mom seasoned it bago sila umalis kanina ni Zach para i-meet ako. She mentioned na nagki-crave ka daw ng steak lately."

My mom knows about this? Pinagkakaisahan ba ako ng mga ito? Kahit mga tao ko sa shop wala man lang nagbanggit sa akin about the canceled event. Wala akong nareceive ni isang notif sa cellphone ko.

Hinawakan ni Matt ang aking kamay para igiya papunta sa kusina pero nagmatigas ako. Andami kong mga tanong na kailangan ng kasagutan.

"We will talk. I promise," seryoso niyang sabi. "For now, kumain na muna tayo. Bawal kang magpagutom. Kailangan mo ring inumin ang mga gamot at vitamins na nireseta sayo ng doctor. I took a photo of your prescription yesterday at binili kong lahat 'yun."

Isang malaking kasinungalingan kung sasabihin kong hindi nagagalak ang aking puso sa presensya ni Matt. Pakiramdam ko nga'y kanina pa ito lumulundag-lundag. Pero may nararamdaman din akong matinding pangamba.

Hindi na ako pumalag nang muli niya akong ayain papunta sa kusina. Gutom na rin ako. Maingat akong umupo sa upuan na hinila niya para sa akin. Maya-maya pa'y hinain na niya ang aming tanghalian. Lalo akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko ang steak. May karamihan ang roasted veggies na hinain ni Matt sa akin. I couldn't complain though—they look appetizing. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng samu't saring alinlangan ay nakuha ko pa ring matakam sa pagkain. Food is lifer nga siguro talaga—especially 'pag buntis ka.

Matapos maihain ang lahat ng pagkain ay umupo na rin si Matt sa katapat na upuan. Kagaya ko ay mukhang gutom na rin ito. Nag-umpisa na kaming kumain. Sa loob ng ilang minuto mga tunog lamang ng kubyertos ang ingay na namamagitan sa amin. Maya-maya pa'y naisipan kong magtanong.

"Paano ka nakakasiguro na sa'yo 'tong pinagbubuntis ko?"

Saglit niya akong sinulyapan bago sumagot.

"Nagtanong-tanong ako at nalaman kong wala kang dini-date for the past 3 years."

Hindi maiwasang kumunot ng aking noo. Why does it sound offensive?

"It wasn't entirely true," depensa ko. "I had casual dates."

Sumulyap siyang muli. This time ilang segundo niya akong tiningnan.

"Fair enough. Sa ganda mong 'yan imposible namang walang magkakagusto," wika nito. Muli ay nagpatuloy na ito sa pagkain.

I suppose that was a compliment? Pero bakit parang iba ang dating?

"Mm...these casual dates of yours, do they have names?" naisipan nitong itanong.

Of course, they have. Mga tao naman 'yung mga 'yun.

"I need them...say, for reference?" pagpapatuloy nito habang ikinukumpas sa ere ang hawak na steak knife.

When did he turn petty? Although I admit, it's amusing to watch.

Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si Matt.

"Ilang base ang na-cover ng mga naka-date mo na ito?"

Base?

"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong.

"You know... first base, holding hands. 2nd, kissing. third base..." saglit siyang huminto. "you had better not reach third base with them, Trish." May pagbabanta ba akong narinig sa tono nito?

"I don't know what you mean by third base, but I don't think they reached that point. Some managed to touch first base, given your description."

"Why would they hold your hand?"

Seriously?

Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy.

"It was because some of them needed to assist me in climbing up or down the stairs; in going down from the bus... coming out of the car..."

"Who dared take you on a date na nagbu-bus? Why would he date you when he couldn't afford proper transportation?"

Oh, God! Help me. I'm going nuts.

To that guy's defense, hindi sa wala siyang sariling sasakyan. Nagkataon lang na nung oras na 'yun mas praktikal ang mag-bus kami dahil may designated na bus lane kung kaya't mas mabilis ang biyahe. We will miss the concert that time kung naka-private car kami.

"I still need their names," paalala nitong muli sa akin. "And...eat your vegetables, Trish." Nag-resume na ulit ito sa pagkain na para bang hindi nito saglit na pinainit ang aking ulo.

"Kumakain ako ng vegetables, okay?"

"I know, but you have to eat more—for the baby."

I rolled my eyes.

"I can't believe you're concerned about the amount of vegetables I have to eat right now. Hindi ka man lang ba nag-aalala na nagkakagulo na ngayon ang pamilya mo?"

"They have it coming," kibit-balikat nitong tugon. "I let them have their way for the last 3 years. I think enough na 'yun for them to realize that it simply doesn't work."

Ano ba ang pinagsasabi nito? Mariin ko siyang tinitigan na kaagad rin naman niyang napansin.

"Eat, Trish. Ubusin mo 'yang pagkain mo. Huwag mo ring kalimutan na inumin 'yang fruit juice. I squeezed it with lots of love."

Oh, Jesus!


Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon