"You want me out of your life? Just say the words, and I'll go."
NO! Ito ang kaagad na sigaw ng aking puso nang marinig ko ang sinabing ito ni Matt.
I don't want you out of my life. I just want you to explore the world so you won't miss the good things in life.
"I'm sorry." Ito ang tanging naisagot ko sa kanya.
I'm sorry kung nasasaktan kita. I'm sorry kasi hindi ko makuhang sabihin sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Natatakot ako na baka tuluyan na kitang maging alipin. You love me so much—it overwhelms me. At some point, nati-tempt akong maging selfish. Pero hindi ko 'yun kayang gawin. Hindi ko 'yun kayang gawin sa'yo.
Nang makita ko siyang tumayo at tuluyang magpaalam, gusto ko siyang habulin at yakapin ng sobrang higpit. Pero kailangan kong panindigan ang aking naging desisyon.
I'm sorry, Matt. I'm sorry that I have to hurt you to save you. Go and explore the world. And if, after everything, you realize that you still want to be in my world, then I'll be here—waiting.
Tatlong araw ang lumipas. Hindi na nagparamdam sa akin si Matt. Alam kong nasaktan siya at malamang ay malaki ang tampo nito sa akin pero umaasa akong magri-reach out pa rin siya. Kahit pa awayin niya ako, okay lang naman. Basta magparamdam lamang siya.
Baliw ka ba, Tricia? Iniisip mo bang ganun lang kadali 'yun? Pakiramdam niya itinaboy mo siya tapos umaasa kang magparamdam siya sa'yo na parang wala lang?
Napabuntong-hininga ako.
Okay, take your time. But not too much, please. Hindi ako sanay na ganito, Matt. I told you to explore, but please keep in touch.
Ang tatlong araw ay naging isang linggo. Hindi na ako nakatiis. Kahit hindi ko siya makita basta marinig ko man lang sana ang boses niya. Noong 4th day ko pa siya tinitext pero wala akong nakuhang response. Kahapon sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ako maka-connect sa cellphone niya. At ngayon nga araw ng linggo, the 7th day, nagdesisyon akong puntahan siya sa kanilang bahay. Awayin man ako ng mommy niya, okay lang. Gusto ko lang siyang makita at makamusta.
Nakapasok ako sa exclusive village na tinitirhan nila na walang problema dahil kinuhanan ni Matt ng sticker ang sasakyan ni Mama. Ikinatuwa ko din na naalala pa ako ng guard ng kanilang village. Tinumbok ko ang malaki at malawak na mansion ng mga Avida. Pamilyar na sa akin ang lugar pero nalulula pa rin ako sa naglalakihang bahay na nakatayo rito.
Approaching na ako sa gate ng mansion nang mapansin ko si Ate Ruby na nasa labas. Matagal na katiwala na ito nila Matt at magiliw ang pakikitungo nito sa akin. Huminto ako 'di-kalayuan sa kanya. Pagkapatay ko ng makina ay agad na akong bumaba. Malawak na ngiti ang salubong niya sa akin.
"Uy, Tricia! Kumusta?"
"Hello po, Ate Ruby!"
"Namimiss kitang bata ka. Matagal na 'yung huli mong pagbisita rito."
"Pasensya na po at nagiging abala lang sa buhay," hinging dispensa ko.
"Haayyy. Parang kailan lang ang liliit n'yo pa ni Lance, ngayon may kanya-kanya na kayong buhay."
May naaaninag akong lungkot sa kanyang mga mata. Giliw na giliw ito sa amin ni Matt noon— especially noong mga high school pa lamang kami.
"O, siya nga pala, anong sadya mo? Ba't ka naparito?"
Nagulat ako sa tanong ni Ate Ruby. Hindi ba dapat given na 'yun na kaya ako nandirito ay para kay Matt?
"Ah, ano—si Matt po?"
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...