Nababalot ng kaba ang aking dibdib. Matthew doesn't fail to make me feel special. But it's because he loves me that he only sees good things in me. Hindi ako ganun ka-confident pagdating sa impression ng iba sa akin. As I grow older and after everything I've been through, I become more self-conscious. Hindi patas ang mundo. May iba't ibang classes ang society, and Matthew definitely doesn't belong to mine. Ilang beses man niyang sabihin na hindi kami magkaiba, pero iba ang sinasabi ng realidad. At dito nag-uugat ang aking insecurities.
Flowy chiffon dress ang napili kong suotin sa anniversary dinner na ito. I am applying finishing touches to my light makeup nang tumawag si Matt.
"Are you ready? Susunduin na ba kita?" bungad niya sa akin.
"Yes, I'm ready, pero huwag mo na akong sunduin."
"What do you mean?"
"Just stay with your parents. Sa meeting place na tayo magkita."
"Trish, I couldn't let you travel on your own."
"Matt, the place is just twenty minutes away from my house. Considering the traffic, maybe it'll take 30 to 40 minutes. That is something I can manage."
Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. I couldn't help but smile. My ever-protective baby-daddy.
"If you insist, okay. Sabay na tayong umuwi mamaya. Diyan ako matutulog."
"Okay. See you later."
"See 'ya. Please be extra careful."
"Yes, sir."
Matapos kong sipatin ng ilang beses ang aking sarili sa salamin ay tumayo na ako. Dinampot ko ang paper bag na pinaglagyan ko ng regalo para sa mga magulang ni Matt. They are nothing grand. What could I possibly give to the people na meron na lahat?
Matapos kong magpaalam kay Mama at kay Zach--na ilang beses akong pinaulanan ng halik sa pisngi--ay lumabas na ako ng pinto. Tinungo ko ang garahe. Ipinagpaalam ko kay Mama na gagamitin ko ang kanyang sasakyan. Matthew wouldn't like it, I know. But it will be just a short drive. Convoy na lang kami pag-uwi. Namimiss ko na ring makita ang displeasure sa kanyang mukha oras na may ginawa akong labag sa kagustuhan niya. He's not controlling—overprotective, yes. I just want to tease him kaya kailangan kong mag-doble ingat.
Hindi ma-traffic ang dinaanan ko kaya mabilis akong nakarating sa venue. Matt texted me kaninang paalis pa lang ako na nasa cafe na sila. Maingat akong nagpark sa parking lot. Nakakamangha at nakakarelax ang aesthetics ng cafe. Earth tone ang color combination ng pintura nito. Napapalibutan din ito ng malawak na garden kung saan may mga tables and chairs na nakalagay. I haven't visited this place before kaya hindi ko alam kung matao ba ito during regular days. Sa gabing ito kasi ay walang katao-tao dahil nirentahan itong buo ni Matt.
Matapos kong sipating muli ang aking sarili sa rear-view mirror ay bumaba na ako ng sasakyan. Bitbit ang paper bag na may lamang regalo ay maingat kong tinumbok ang makitid na pathway papunta sa entrance ng cafe. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Parang aatakihin yata ako sa puso sa sobrang kaba.
Maingat kong itinulak ang wooden door ng cafe. Ngunit bago ko pa man ito tuluyang mabuksan, isang malakas na boses ang gumulat sa akin.
"What?!!!" Boses ito ng isang babae. "Tell me that this is a joke!" Napako ako sa aking kinatatayuan.
"What do you mean, Mom? Why would I joke about this?" I recognized Matt's voice. So, it was his mom. For a minute, hindi ko narecognize ang boses ng kanyang mommy kahit pa narinig ko na ito noon.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...