Chapter 6: Betrayal (Trish's POV)

111 16 15
                                    

TRIGGER WARNING! Sexual Assault, Rape — Please read with caution.

Mabigat ang aking pakiramdam habang nag-aayos. Jackson told me he'd be here in 30 minutes. This is the first time na hindi kami magsi-celebrate ng Valentine's Day ni Matt na magkasama. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Nasanay na akong kasama siya sa mga okasyong kagaya nito. We even spent time together during Christmas and the New Year. Kahit isang oras lang, ang importante magkita kami face-to-face.

Katatapos lang namin mag-usap ni Matt nang may marinig akong bumusina sa labas ng bahay. Si Jackson. Dinampot ko ang aking purse na nakapatong sa dresser at lumabas na ng bahay.

Isang 5-star restaurant ang pinuntahan namin ni Jackson. Kinailangan ang prior reservation para makapag-dine dito. I'm not into something fancy or grand, especially kapag usapang kainan. Siguro dahil nasanay ako sa samgyupsal restaurant namin na maingay. Hindi kagaya sa mga fine dining na toned-down ang boses ng mga diners. Nonetheless, I enjoyed the food we ate. 

Saglit akong nag-excuse kay Jackson para pumunta ng restroom. Pagbalik ko, si Jackson naman ang nag-excuse. Ininom ko ang natira kong wine habang naghihintay sa pagbabalik niya. Ilang minuto lang ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Inaatake na naman ba ako ng migraine? Or was it the wine? Lasing na ba ako? Naisipan kong tawagan si Matt. I don't know how he does it, but whenever I feel nauseous, napapakalma niya ako. Madalas akong nasusuka 'pag inaatake ng migraine o kaya kapag tipsy kung kaya't naisipan kong magpasundo sa kanya. Hopefully, available na siya. Ayaw kong sa sasakyan ni Jackson masuka. I'm not ready for that kind of embarrassment with Jackson.

Unfortunately, hindi sinagot ni Matt ang cellphone niya. Marahil ay busy pa ito. Hinihilot ko ang aking sintido nang maramdaman ko ang kamay ni Jackson sa aking balikat.

"Hey, are you okay?"

"Just some headache..." Habang sinasagot ko si Jackson ay mas lalong lumalala ang aking nararamdaman.

"C'mon. I'll help you."

Tinulungan niya akong tumayo at iginiya palabas ng restaurant. Blurry ang vision ko kaya't umaasa ako sa pag-guide ni Jackson sa akin. Ini-expect kong sa sasakyan na ang tungo namin pero namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng elevator.

"W-where are we going?" I managed to ask.

"You need to rest first. Mas lalo kang mahihilo kapag ba-biyahe na tayo. You need to lie down for a while. I'll send you home 'pag okay na ang pakiramdam mo."

I don't like the idea of checking into a room with him.

"Just take me home, Jackson. I can manage," sabi ko.

"I promise to send you home. Just stay for an hour or two."

Nang bumukas ang elevator ay gusto kong isara itong muli para bumalik ng ground floor. Jackson managed to stop me bago ko pa maabot ang buttons ng elevator. I'm losing my balance and strength. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Naramdaman kong unti-unting bumibigay ang aking tuhod. Agad akong nasalo ni Jackson bago pa ako tuluyang bumagsak. Buhat-buhat na niya ako papasok ng unit. Ibinaba niya ako sa gitna ng kama. Hindi na rin siya nag-abala na buksan ang ilaw ng kwarto. Tanging ang lamp shade na katabi ng kama ang tanging source ng liwanag.

Pinilit kong i-relax ang aking katawan. Ito ay sa kabila ng nararamdaman kong matinding kaba. Hindi ko rin makuha na idilat ng buo ang aking mga mata dahil blurry pa rin ang vision ko. May nakikita na rin akong zigzag patterns na siyang nagpapabaliktad ng aking sikmura. 

Biglang nag-dip ang bed, indikasyon na may taong tumabi sa akin. Maya-maya pa ay may naramdaman akong kamay na humahawi ng aking buhok. Kasunod nito ay ang mainit na hininga sa aking leeg.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon