Nakatuon ang aking mga mata sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang ruta papasok ng university. Nasa repair shop ang aking sasakyan. Napagbuntunan ko ang dashboard nito kagabi. Ngayon ay hinahatid ako ng aming family driver na si Kuya Jimmy.
"Okay ka lang ba?" tanong nito sa akin. Twenty years na sa amin ang may edad naming family driver at parang miyembro na rin ng pamilya ang turing namin dito. Ganun din siya sa amin.
Isang ironic na tawa ang pinakawalan ko. Napayuko ako at nahagip ng aking mga mata ang mga nakabenda kong kamay. Nagbabad ako sa gym at hindi ko tinigilan ang punching bag hanggang hindi ito mabutas at bumigay sa pinagsabitan nito. Hindi rin ako nakatulog kaya't nagmumukha akong walking corpse ngayon--for sure.
Pagkaparada ni Kuya sa entrance ng university ay agad na rin akong nagpaalam sa kanya at bumaba.
"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka," pahabol ni Kuya Jimmy. Dama ko ang concern niya sa akin. Tumango ako at tumuloy na sa loob.
Wala akong balak na dumiretso sa aming classroom. Kailangan ko siyang mahanap. Inikot ko ang mga parte ng university kung saan pwede ko siyang matiyempuhan. Nakausap ko na si Jared, isa sa mga kaklase namin, at alam kong wala siya sa loob ng classroom. Mga fifteen minutes din akong nag-ikot bago ko siya nahanap. Nasa basketball court siya at naglalarong mag-isa. Kumuha ako ng bola mula sa rack at ibinato ko sa bolang nilalaro niya na kasalukuyang nasa ere. Parehong tumilapon ang mga bola sa kabilang side ng court. Napatingin siya sa akin. Ilang hakbang lang ay narating ko kaagad ang kanyang kinaroroonan. He didn't attempt to move, not even an inch.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanyang panga, dahilan para bumagsak siya. Habang nakahiga ay inundayan ko pa siya ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha. Nakita kong dumugo ang gilid ng kanyang bibig. Nakaramdam naman ako ng pagkirot ng aking kamao kaya't tumigil ako. Napansin ko ang pamumula ng benda. Dumugo na naman ang aking kamay. Marahas ko siyang itinayo.
"Paano mo nagawa ang kahayupang 'yun sa kanya?!"
Napapikit siya at hindi umimik.
"Ano?! Sumagot kang gago ka! Pagkatapos ng kabaitan na ipinakita sa'yo ni Tricia, ganito ang isusukli mo sa kanya?"
"Alam ko!" may hinagpis niyang sagot. Pasigaw. "I know I did her wrong."
"At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo!"
"Do it," sagot ni Jackson. It wasn't a challenge. Pagsuko ang narinig ko sa kanyang tono. "Do what you think is right," dagdag pa niya.
"You're the worst! Brace yourself. Humanda ka ng masira ang reputasyon ng pamilya mo."
To my surprise, he smirked—although not in a taunting kind of way.
"Do you think 'yun ang mas mahalaga sa akin ngayon? If I go to jail, my parents would just disown me. It wouldn't even be a big deal. They have another son na mas paborito nila kesa sa akin. But Tricia? Nag-iisa siya. I don't think may mahahanap pa akong kagaya niya," may hinagpis niyang sabi. Kita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Well, say goodbye to your ideal woman. Hindi ko na hahayaan na makalapit ka pa sa kanya. Try it and I will kill you!" Tumalikod na ako at naghahanda ng umalis.
"Mahal ko siya, Avida!"
Agad ko siyang nilingon at sinakal.
"Hindi mo alam ang pinagsasabi mo," nanggigigil kong wika. "Kung talagang mahal mo siya, hindi mo magagawang yurakan ang pagkatao niya. Hindi mo kakayanin na makita siyang nasasaktan. Isa kang demonyo na nagtatago sa likod ng maskara. Nagpapanggap kang in love para makuha ang gusto mo. 'Yun ka! Iyan ang isaksak mo sa kukuti mo." Marahas ko siyang binitawan at tuluyan na akong umalis.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...