Chapter 33: Proposal

102 15 15
                                    

Nakumbinsi ako ni Tricia na huwag ng pauwiin ang aking mga magulang, kaya heto kami ngayon magkaharap na naghahapunan. Kasama rin namin sina Manong Romy at Manang Celia.

"Ang haba pa rin ng nguso mo Cecel," wika ng aking ama. Nakatingin ito kay Manang Celia na tahimik na sumasandok ng ulam.

"Huwag mo na lang akong intindihin, Edward. Sadyang kusang tumutulis 'tong aking nguso kapag may nakakasama akong 'di kanais-nais."

"Cecelia, kailan ba ulit gagaan ang loob mo sa akin, ha?" tanong dito ng aking ina.

"Huwag mo ng pangarapin 'yun. Sinayang mo ang pagkakataon na binigay ko sa'yo noon."

"Eh, anong magagawa ko eh nandun sa siyudad ang karamihan sa negosyo namin ni Edward. Gusto ko mang manatili dito sa probinsiya para samahan ka, eh may obligasyon naman ako sa kompanya."

"Sa tingin mo ba 'yun ang dahilan kung bakit kusang tumutulis 'tong nguso ko kapag napaparito ka? Nagbago ka, Phoebe, iyon 'yun. Nung una kang ipinakilala sa amin ni Edward noong mga bata pa tayo, naalala mo ba kung gaano mo kabilis nakuha ang loob ng karamihan dito? Nakaramdam ako ng selos nun at gusto pa nga kitang itulak sa putikan. Napakaamo ng mukha mo noon at napakalumanay mong magsalita. Palangiti ka pa."

"Ganun pa rin naman ako ngayon ah," hirit ng aking ina.

"Saan? Saan banda d'yan? Jusko! Kumulo dugo ko nung napanood ko ang statement mo noong nakaraan. Mantakin mong gusto mo pa palang pakialaman ang pagpili ni Lance ng mapapangasawa. Pakiwari ko'y dahil 'yan sa impluwensiya ng mga 'kaibigan' mo kuno na ang kakapal ng kolorete sa mukha. Balita ko'y puro arranged marriage ang anak ng mga 'yun. Anong siglo na? Ganyan pa rin ang mga pag-iisip ninyo. Kungsabagay, ano naman kasi ang alam ko sa kaugalian ng mga nasa alta-sosyedad," mahabang litanya ni Manang Celia.

Saglit kaming nagkatinginan ni Tricia, at ganun din ang aking ama't ina.

"Celia, tama na," saway ni Manong Romy sa maybahay. "Magkaiba tayo ng paraan ng pagpapalaki ng anak. Ang mahalaga ngayon ay naitama na naman nila Edward at Phoebe ang mga bagay-bagay."



Medyo may kalaliman na ang gabi. Pumasok na kami ni Tricia sa kwarto. Iniwan na namin na nag-didiskusyon ang apat na may-edad sa living room.

"I didn't expect na magkababata pala sila," wika ni Tricia. Nakahiga na kami sa kama.

"Yeah, they were. Si dad na ang nagpakilala kay mommy sa kanila. Taga-San Carlos ang grandparents ko sa mother side. Through business connections kaya nakilala nila dad ang pamilya ni Mom. Pero mula ng magkamalay ako, hindi ko maalala na nagbo-bonding sina Mom at Manang Celia. Marahil matagal ng nag-umpisa ang iringan nilang dalawa."

"I hope they can be good friends again. Sayang naman. Mukhang maganda ang samahan nila dati," medyo malungkot na wika ni Tricia.

Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Don't worry about them. Sa nakikita ko kanina, I think it was a good sign na tahasan nilang nasasabi sa isa't isa ang kanilang saloobin."

Marahan na tumango si Tricia at saka sumiksik sa aking dibdib.

"How are you?" pabulong kong tanong habang inaamoy ang kanyang buhok.

"I'm happy. It was a little awkward, but I saw the other side of your mom earlier, at kahit papaano ay nabawasan ang mga alinlangan ko. Your dad has been accommodating, too."

"I'm glad to hear that. I was worried for your well-being. Iniiwas kita sa anumang pwedeng magdulot sa'yo ng stress kaya hindi ko nagustuhan ang pagpunta ni mom dito."

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon