Chapter 18: Awkward

104 17 15
                                    

"Trish...please come back..."

I said it out loud, right? Isang malalim na buntong-hininga sa umaga (o tanghali na ba?). Lagi nalang ganito. Nakakapagod na.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Fuck! Hangover sucks. Muli akong pumikit at dahan-dahang minasahe ang aking sintido. Habang nakapikit, unti-unti kong inaalala ang nagdaang gabi. Samu't-saring imahe ang nag-o-overlap sa aking isipan. As usual, I need time to differentiate the real ones. Ang iba kasi doon ay mula sa aking panaginip. Lagi siyang nandun. Walang palya. Kailan ba ako makakalaya sa kanya?

"I'm sorry, Matt. I don't mean to haunt you in any way."

"I was wrong, Matt. I made a terrible mistake. Please tell me. What should I do?"

"I've missed you, Matt—sobra. At lalo kitang namimiss kahit ngayong kasama kita...dahil ito na ang huli."

Kusa na lamang tumulo ang aking mga luha. The images from last night's dream were so vivid. If I didn't know any better, iisipin kong lahat 'yun totoo. I saw her cried for the first time in my dream. Biglang nanikip ang aking dibdib. Kahit sa panaginip ayaw ko siyang nakikitang umiiyak.

Pinilit kong igalaw ang aking katawan para sumandal sa headboard. Dahan-dahan ko ulit na idinilat ang aking mga mata. Kailangan kong uminom ng pain reliever. Ramdam kong pumipitik-pitik ang aking sintido. Sinulyapan ko ang orasan. Almost noon. Well, what should I expect? Magdamag akong uminom. 

Napansin kong hubo't hubad ako. Seriously, Matthew? Wet dreams? Napansin ko ang marka ng semen sa bedsheet. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili. Maya-maya pa'y napansin ko ang nakatuping damit na nakapatong sa katabi kong unan. Nang suriin ko ang mga ito, napagtanto kong ito ang isinuot ko kagabi. Wow! Great job, Matthew. Gaano ka ba kalasing para maisipan mong magtupi ng damit? Hinila ko ang unan at saka itinakip ito sa aking mukha. Lumalala ka na Matthew!

Napakunot ang aking noo nang may maamoy akong kakaiba sa unan. This is not my scent! Tinalasan ko ang aking pang-amoy. No, this is definitely not my perfume. This is a woman's scent. And not just any woman's scent—it's hers!

Dali-dali kong hinanap ang aking boxer at agad itong isinuot. Tumakbo ako palabas. Walang tao sa living area. Dali-dali akong lumabas ng villa. Nagulat pa ang aking caretaker na si Manong Romy sa bigla kong pagsulpot. Nagti-trim ito ng mga halaman. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"O, Lance! May kailangan ka ba?"

Bigla kong naalala na naka-boxer shorts lang pala ako.

"Ah, w-wala naman po."

"O-okay. Kung nagugutom ka, may hinanda akong almusal kaso baka malamig na 'yun."

"No worries. Ako na po ang bahala."

Bumalik na ako sa loob. Pasalampak akong umupo sa sofa. Napansin kong nagri-ring ang aking cellphone na nakapatong sa center table. Wala na ang basyo ng alak na ininom ko kagabi. Marahil ay niligpit na ito ni Manong Romy.

Wala sana akong balak sagutin ang aking cellphone pero nakita kong pang-labing-isang tawag na ito ng aking ina.

"Mom..." bungad ko.

"My goodness, Lance! Where are you?" may hint of panic ang boses nito.

"Mom, don't worry, I'm still in the Philippines. You are calling my local number."

"Do you think that's what I'm concerned about? Kung nasa Pilipinas ka man o nasa North Pole? Alexa is worried sick! Ang paalam mo kagabi a-attend ka lang ng get-together tapos hindi ka na umuwi. She was waiting for you."

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon