Chapter 12: Reality

27 1 0
                                    

"Pregnant?! What do you mean?"

"Magiging kuya na si Zach," excited kong tugon sa kanya.

"Matt..." 

Nakikita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

"Trish...everything's gonna be fine. Ako na ang kakausap kay Tita. Suportado naman niya tayo 'di ba?"

"I don't mean my mom. Although, alam kong magugulat siya pero she'd seen this before."

"Do you mean, my parents? Naiintindihan kita. Naiilang ka pa rin sa kanila, I know. Ako na ang bahala. It's gonna be okay."

"Paano ka nakakasiguro na matatanggap nila 'to? Magkaiba ang mundo natin, Matt."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong ipahiwatig. Paanong magkaiba ang mundo natin? 1st, literally, it is clearly not. 2nd, if you mean figuratively, I don't think so. Hindi naiiba ang mundo natin, Trish. Ikaw ang mundo ko."

"Matthew, please..."

"Hindi ko intensyon ang magbitaw ng punch line. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin ba alam na sayo umiikot ang mundo ko? I don't know what I am or where I'll be without you, Trish."

"Matt, natutuwa akong marinig ang mga sinasabi mo. But, we have to face the reality. May mga expectations sa'yo ang mga magulang mo."

"Expectations na nami-meet ko naman. Pero pagdating sa usaping puso, ako ang masusunod, Trish. Ako ang magdi-desisyon kung sino ang gugustuhin kong makasama habang-buhay."

"Matt..." 

Mas malumanay na ang boses niya ngayon. Masakit lang makita na may lungkot sa kanyang mga mata. This is supposed to be great news and should be celebrated. Instead, nakikita ko ang samu't saring alinlangan sa kanyang mukha.

"Don't push me away, please." Nakaramdam na ako ng takot sa dibdib.

"I am just worried, Matt. We should have been more careful."

"Don't let the baby hear you say that." Marahan kong hinaplos ang kanyang tiyan.

"I'm sorry..." she whispered.

"Let's take this slowly. No need to rush. Pag-uusapan natin 'to ng maayos. For now, kailangan mong magpalakas para sa inyong dalawa ni baby."

Malungkot siyang tumango. Nilapitan ko siya at hinalikan sa labi.

"I love you, and I'm so darn happy about this news. Please...magtiwala ka sa akin. I won't let any harm comes your way at sa mga anak natin."


At gaya nga ng inaasahan, hindi na gaanong nagulat si Tita Meldy nang mabalitaan ang pagbubuntis ni Tricia. Sikreto ko siyang kinausap tungkol sa balak kong pag-aalok ng kasal sa anak niya. Pinayuhan niya ako to take it slow. One step at a time. Aware rin si Tita sa mga agam-agam ni Tricia kung kaya't ayaw niyang magmadali kami. Sa ngayon, sapat na sa akin na alam ni Tita ang mga plano ko.

Mas higit pa akong nagiging protective kay Tricia. Alam kong maselan siyang magbuntis kung kaya't 24/7 ko siyang mino-monitor. Kung dati, weekends lang ako nakikitulog sa kanila, ngayon, may mga araw sa weekdays na nasa bahay nila ako. I want to be readily available kapag bigla siyang nagkakaroon ng cravings. Hindi sa pagyayabang, pero mas madali na lang sa akin ang mga bagay na ito ngayon dahil naranasan ko na ito noong nagbuntis siya kay Zach.

"You shouldn't be here. May out of town trip kayo bukas, 'di ba?"

Magkatabi kami ni Tricia sa kama niya. Nakaunan siya sa aking braso.

Hello And GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon