Paulit-ulit kong natampal ang aking noo. I checked my RFID history, and I did pass by a toll gate.
Damn, Tricia. Malala ka na!
Naisip ko na sanang mag-reverse nang may mapansin akong silver na audi na nakaparada malapit sa entrance ng villa. Someone's here. Matt?
No! No, Tricia. This isn't right. Maaaring kasama niya sa loob si Alexa. Ang girlfriend niya. Uulitin ko...GIRLFRIEND niya! Please lang.
My impulsive thoughts won. Habang paulit-ulit kong pinagsasabihan ang aking sarili, nakuha namang kontrolin ng impulsive thoughts ko ang ibang parte ng aking katawan. Napansin ko na lamang na umuusad na ang aking sasakyan papasok. Tumigil ako 'di-kalayuan sa nakaparadang audi.
For the last time, Tricia. Hindi pa huli ang lahat. Please hit that reverse at umuwi ka na. Utang na loob!
Parang may kung anong sumapi sa aking katawan. Hindi man lamang ito natitinag sa kahit anong warning na sinasambit ko. Maingat akong bumaba ng sasakyan. Tinumbok ko ang main door ng villa. Nothing has changed. Ganun pa rin ang lugar na ito. O baka dahil madaling-araw na kung kaya't hindi ko nakikita ang mga pagbabago dito.
Okay, let's make a deal. Kung naka-lock ang main door, let's go home. Please...
Well, it seemed that the odds were not in my favor. Hindi naka-lock ang pinto. Why would they leave it unlocked? Wala akong nagawa kundi maingat na itulak ang pinto. May dim light sa loob. Oh, God! Now, I regret making a deal with someone invisible yet powerful.
Maingat ko ring isinara ang pinto nang tuluyan na akong makapasok. Memoryado ko pa rin ang loob ng villa. Gaya kasi ng facade nito, wala ring nagbago sa loob. Maingat ang mga hakbang ko patungo sa maluwag na living area. Ngunit bago pa ako makarating doon ay biglang may bumukas na pinto. Pintuan iyon patungo sa basement kung nasaan ang wine cellar nitong villa. Isang pamilyar na pigura ang bumungad sa akin.
Matt...
Parang tumigil ang lahat sa akin. Ang pag-ikot ng mundo. Ang aking paghinga. At pati na ang pagtibok ng aking puso.
Hindi ko na nabilang kung ilang minuto kaming nagkatitigan. Nahimasmasan ako nang bigla niyang binawi ang kanyang tingin at walang anu-ano na tumungo sa living area. Hindi man lamang siya nagsalita. Nagulat ako nang muntik siyang mawalan ng balanse? Is he drunk? Saka ko pa lamang napansin ang hawak niyang bote ng alak. Isang mamahaling vodka ito na gawa sa Poland. Mabilis ko siyang tinakbo nang mapansin kong mawawalan na naman siya ng balanse. Maagap kong nahawakan ang kanyang braso.
Malapit na kami sa sofa nang maisipan niyang iwaksi ang aking kamay. Ganunpaman, tinulungan ko pa rin siyang makaupo ng maayos. Tumabi na rin ako sa kanya. Tinitigan kong maigi ang kanyang mukha. Isa ba itong panaginip? Kung ganun, pwede bang huwag muna akong magising?
Napansin kong gusto niyang buksan ang bitbit na alak. Pinigilan ko siya. Nakita ko kasing may basyo na ng kaparehong alak na nakapatong sa center table.
"Matt, please stop. You had enough..." saway ko sa kanya. Tinabig niya ang aking kamay.
"Why do you care?" Ito ang unang mga salita na narinig ko sa kanya after 3 long years. At ang sarap pakinggan sa tainga. Kahit pa may galit ang tono nito.
"I care," sagot ko—my eyes not leaving his.
"Since when?"
Since forever, gusto kong isagot sa kanya.
"You don't drink. I haven't seen you drunk before. Hanggang isang baso lang ng beer ang kaya mong inumin noon."
"Where were you? I've been a drunken mess for the past 3 years. Huwag mong sabihin na hindi mo alam?"
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...