"She's stable now, pero kailangan niya ang mahabang pahinga. We are very sorry, but the baby didn't make it."
Ito ang masakit na balitang sinabi sa akin ng doctor. We lost our baby. Samu't saring emosyon ang bumalot sa akin. Grief, fear, anger...
I hate myself. Kung sana binigyan ko ng mahabang konsiderasyon ang mga alinlangan noon ni Tricia, sana hindi humantong sa ganito. Kung sana mas nagtiwala ako sa gut feel niya, hindi sana kami nawalan ng anak. Wala sana siya sa sitwasyong ito ngayon. She hates hospitals. Ayaw niya ang amoy nito. Pinapaalala kasi nito sa kanya ang araw na nawalan siya ng ama. Every time na nagagawi siya sa ganitong establisyemento, naaalala niya ang sariling tumatakbo sa pasilyo ng hospital para maabutan ang amang naghihingalo. But she was a tad bit late. Nag-flat line na ang heart monitor nang makarating siya.
Hawak-hawak ko ulit ngayon ang kanyang kamay habang natutulog siya sa hospital bed. Parang kailan lang may eksena ring ganito. Pero unlike before, kung saan maaaninag mo ang saya sa aking mukha dahil ibinalita sa akin noon na nagdadalang-tao siya, ngayon ay kabaliktaran ang aking nararamdaman. Puno ito ng paghihinagpis.
Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Tricia. Maagap ko itong hinaplos. Kasunod nun ay ang dahan-dahan niyang pagdilat ng mga mata.
"Hey..." mahina kong bati sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. Ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata dahil ang mga ito'y nababalot ng matinding kalungkutan. Alam na kaya niya na wala na ang baby namin? Idinampi ko ang kanyang kamay sa aking pisngi. Hindi ko makuhang humagilap ng uplifting words dahil maging ang puso ko'y nababalot din ng sobrang pagdadalamhati. Naramdaman ko na lamang na tumutulo na ang aking mga luha. Hindi ko na ito nakuhang pigilan. Maya-maya pa'y pareho na kaming umiiyak. This was not how we expected our day to end.
Dalawang araw na nanatili si Tricia sa hospital para obserbahan ang kanyang kondisyon, and just to make sure na wala siyang natamong trauma dahil sa aksidente. She was asked to stay longer pero hindi na ito pinagbigyan ni Tricia. She wanted to rest sa sarili niyang pamamahay.
"Do you want something? Anything you want to eat?" tanong ko kay Tricia. Nakauwi na kami sa kanilang bahay at kasalukuyan ko siyang inaalalayan para mahiga.
"No, I'm good," maikli niyang sagot pagkalapat ng kanyang ulo sa unan. Tumalikod siya sabay yakap ng mahigpit sa isa pang unan.
Agad na nanikip ang aking dibdib. Bihira na lamang siya magsalita mula nung pagkagising niya sa hospital. Nakita ko kung gaano siya lumuha nung ibinalita ng doctor sa kanya ang pagkawala ng aming anak. Wala akong nagawa kundi damayan siya sa pag-iyak. Maging ako man ay hindi pa rin tanggap ang pagkawala ng baby namin.
"Nasa sala lang ako if you need anything," paalam ko sa kanya. She needs space, and I'll give it to her.
"Please go home, Matt." Papalabas na ako nang marinig ko siyang nagsalita. Natigilan ako.
"I'll stay. You need me here."
"I'm fine, really. Go home. Hinahanap ka na ng parents mo."
There is something in the way she talks. Pero naiintindihan ko. Matindi ang pinagdaanan niya—namin—ngayon.
"They are the last people I want to see right now."
"Wala silang kasalanan, Matt. It was all me."
"Alam mong hindi 'yan totoo. You heard everything that night, right?"
"It doesn't matter."
"Trish—"
"Please, Matt. Gusto ko munang mapag-isa. Please..." pagsusumamo niya.
BINABASA MO ANG
Hello And Goodbye
RomanceYou want me out of your life? Just say the words, Trish, and I'll go. I am supposed to be your comfort person, but if I don't serve that purpose anymore, then what am I here for? -Matt A/N: Unless specified, most POVs are of the male lead, Matthew...