Bagot akong nakahiga rito sa sofa habang nanonood. Dalawang araw na ako rito sa condo ni Luca.
Nababagot na ako rito dahil wala akong ginagawa. Galing dito ang mga pinsan niya kahapon kaya kailangan kong magsinungaling. Mukha namang napaniwala sila sa mga sinasabi ko kaya walang problema.
Hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko. Sa sala niya ako nanonood kahit may telebisyon naman sa kwartong tinutulugan ko.
Umahon ako at tumingin sa banda ni Luca. Nasa counter siya ng kusina. Nakaupo siya sa isang high chair habang nakaharap sa laptop niya. Nakatagilid siya sa'kin kaya side view ang nakikita ko sa kanya. Medyo malayo ang sofang kinakaupuan ko sa kanya pero nakikita ang banda niya mula sa sala.
"Hoy!" Nasanay na akong umaktong walang hiya kapag siya ang kausap ko. Ayos lang naman sa kanya 'yon. Sa tingin ko. Hindi naman siya nagagalit.
Bahagya siyang tumingin sa banda ko bago binalik ulit sa laptop niya. "Yes?"
"Pwede ba akong lumabas?"
"Where are you going?" Hindi siya tumingin sa banda ko nang sumagot.
Sa dalawang araw ko rito ay laging laptop niya ang kaharap niya. Hindi naman ako nagtatanong kung anong ginagawa niya roon kahit kuryoso ako.
"Mamamasyal." Tinigil niya ang pagtipa doon at binalingan na ako ng tingin.
"Later." Tumingin siya saglit sa mamahaling relo niya bago binalik sa'kin ang tingin.
"Bakit?" gusto ko ngayon na.
"Let me finish this first before we get out."
"Sasama ka?"
Tumango lang siya sa'kin at hindi na ako pinansin. Tinuloy niya ang ginagawa niya sa laptop niya.
Sasama siya? Bakit? Hindi na ako nagtanong sa kanya dahil baka maistorbo pa siya.
Humarap ako sa pinapanood ko pero ang boring. Agawan ng asawa. Ano ba 'tong teleseryeng 'to.
Tumingin ulit ako sa kanya bago nagsalita. Ayaw ko sanang istorbuhin pero wala akong kausap. "May porn ka ba?"
Bigla siyang napatingin sa banda ko at tinignan ako ng hindi makapaniwala pero agad niya ring binura 'yon sa mukha niya. Sumeryoso ang tingin niya sa'kin pero hindi ako nagpatinag.
"Wala." Hindi siya nag-iwas ng tingin sa'kin.
"Hindi ka ba nanonood nun?" Hindi rin naman ako nanonood nun. Noong mga panahong may kasintahan lang ako. Gusto nilang sabay kami manood nun bago namin gawin sa kama.
Napalitan ng pagkairita ang seryosong mukha niya. Nakakairita ba yung tanong ko?
"Shut up and let me finish my work."
Iritado siyang bumalik sa pagtitipa ng laptop niya. Trabaho raw. Sa laptop pwede magtrabaho? Gusto ko rin nun.
"Gusto kong manood nun," pangungulit ko. Simple akong napangiti sa iritadong mukha niya.
"Baka gusto mong gawin din natin?" natuptop ang bibig ko sa sinabi niya. Ano raw?
Ngumisi siya sa'kin na parang hinahamon ako.
"Ayos lang. Basta bayaran mo ako." Nawala ang ngisi niya at tumalim ang tingin niya sa'kin.
"Gano'n ka ba talaga?" Nakataas ang kilay niya pero hindi pa rin humuhupa ang matalim niyang tingin sa'kin.
"Gano'n naman talaga ang mga bayaran. Babayaran mo kapag tinira mo." Bumuntong siya ng hininga bago umiling iling na bumalik sa ginagawa niya.
Hindi na niya ako pinansin. Tumayo at lumapit ako sa banda niya.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.