Hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. It's my first time going to a party pero halatang ako na ang pinakabaduy.
Long sleeves and turtle neck black dress. And worse, hanggang paa ko pa ang haba ng dress. Sinadya talaga ni Luca na balutin ako. Kahit hindi niya sabihin, halatang-halata.
Napakagat labi ako. Ano ba 'to. Ang pangit ko na tuloy. Wala na ngang magandang ayos ang buhok ko, ganito pa ang isusuot ko. But well, ayos na rin 'to kaysa ibalandra ang mga kiss marks ko sa mga tao.
I paired the dress with three inches sandals. I'm not really into sandals pero dahil na rin sa trabaho ko ay nasanay ako. Hindi na pumasok si Luca dahil alam niyang hindi na niya kailangang bantayan ang susuotin ko.
Well, last na rin 'to. Kung hindi lang talaga sa pagtakas ko, hindi ako sasama sa kanya. We'll meet the richest people here in the Philippines and worse, the whole Asia. I don't really care but I'm fucking ashamed of my job. A prostitute? In such party?
Wala na rin akong magagawa sa suot ko. Tapos nakalugay pa ang hanggang baywang kong buhok. Hindi ko nga lang sinuklay. Hindi naman ako pupunta roon just to impress someone.
Sopistikada akong naglakad palabas ng kwarto ni Luca. Kahit naman gano'n ako kababa ay alam ko rin kung paano magpanggap. Sa postura na lang ako babawi.
I didn't use any make up. I don't really use make up but due to my job, I really need to. Maraming mga bagay na napilitan akong gawin dahil sa trabaho ko. No. Dahil sa pesteng buhay ko.
Wala akong kahit na dala. Just myself not being naked.
Tumigil muna ako sa tapat ng hagdan at inayos ang sarili. Pinasadahan ko muna ang sarili ko pero nainis lang ako. Ano ba naman kasi 'to. Ang pangit ng taste ni Luca.
I walk like a queen. Well, dito talaga ako babawi. Seryosong nakaupo si Luca sa single sofa nang madatnan ko.
"What do you think?" I posted like a model.
I put my hand on waist and raised the other one. I parted my legs a little bit trying to copy some model I've seen somewhere.
Tumaas ang kilay niya at tinignan lang niya ako na parang baliw. "You done?"
Ngumuso ako at sumimangot. Hindi man lang niya pinansin ang ginawa ko. Inayos ko ang sarili ko at kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakatitig lang siya sa'kin.
"You bastard. Are you planning to make me the ugliest in that party?"
Siningkitan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. Pinantayan lang niya ang tingin kong seryoso.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo. "It suits you."
"Suits my ass."
"Let's go."
Tumayo siya at nilapitan ako. Akmang ipupulupot niya ang braso sa baywang ko nang tinapik ko lang ang braso niya.
Naiinis pa rin ako sa kanya. Naiiling siya sa inakto ko kaya tinalikuran ko na siya. I even flipped my hair.
Nauna akong naglakad sa kanya. Hinayaan niya akong mauna pero pinatayan niya ang lakad ko nang makarating kami sa elevator. Pati klase ng paglakad ko parang isang maarteng matapubre. The heck I care.
"What are you doing?"
May bakas ng inis sa mukha ni Luca nang lumingon ako sa kanya. "Ano?"
"You're moving your hips like shit."
I glared at him. Like shit? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ipagmayabang ang katawan ko. I have a fine ass that could catch any man's attention. Why not use it?
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.