Sabik na akong makita ang anak ko. Alam kong hinahanap na ako ni Lucas. Knowing him, lagi akong hinahanap kahit saglit lang akong nawala.
Nagtaka ako nang ihinto ni Lucan ang sasakyan sa hindi pamilyar na building. Salubong ang kilay kong tiningnan si Luca pero nakapikit lang siyang nakasandal sa sandalan ng upuan. Dito niya ba dinala ang anak ko?
"We're here, idiot," walang galang na saad ni Lucan mula sa driver's seat. Inis na dumilat si Luca at sinamaan ng tingin ang kapatid. "Ginawa pa talaga akong driver."
Hindi siya pinansin ni Luca at lumabas ng sasakyan. Hinawakan ko na rin ang pintuan para sana lumabas nang magsalita si Lucan.
Hindi ko na napansin ang pagbukas ni Luca sa pintuan ng sasakyan dahil sa sinabi ni Lucan. Hindi iyon matanggal sa isip ko.
"What are you thinking?" Bumaling ang tingin ko kay Luca. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"What do you think I'm thinking?" pilosopong balik ko sa kanya. Kahit hindi ko aminin, alam kong namiss ko kung paano ko siya noon pilosopuhin.
He smirked and grabbed me by the waist. He lower his head to equal my eyes. Nilapit niya ang bibig sa'kin at akala ko hahalikan niya ako nang bigla niyang ilapit iyon sa tainga ko.
"Me, fucking you in my bed while screaming my name and begging for more," bulong niya.
Napatanga ako sa sinabi niya. Laglag ang panga ko at hindi alam ang sasabihin. Ang kapal ng mukha niya. Sa sobrang kakapalan hindi ko na matantsa kung anong mas makapal, yung mukha ba niya o ang pinakamakapal na libro sa buong mundo.
Tinulak ko siya at tinaliman ng tingin.
"You know what, if you just flirt in front of me, I'll better go. You disgust me big time." Lucan rolled his eyes and get inside the car again.
We bid him goodbye but he just glared at us. Hawak ni Luca ang bag na dala namin sa isang kamay niya habang nakapulot ang braso sa baywang ko.
"Dito mo dinala ang anak ko?" mataray kong tanong. I couldn't accept that he could use my son to scare me. Now that I have a bigger weakness.
"Anak ko rin siya, Denise."
"Wala akong sinabing hindi mo siya anak."
We stopped walking and stared at each other's eyes. He sharpened his gaze at me and so did I. Siya lang ba ang may kayang gawin 'yon? Ilang minuto kaming nagsamaan ng tingin hanggang sa siya na rin ang nagkusang magpatalo.
"Fine. Anak natin. Dito ko dinala ang anak natin," he emphasized the last words.
"Anak ko," matigas kong wika.
"Anak ko rin," pagmamatigas niya rin. Ano bang pinaglalaban ng gagong 'to? May sinabi ba akong hindi niya anak si Lucas?
"Ano ba. Anong pinaglalaban mo? Wala akong sinabing hindi mo anak," inis kong anas. Anong problema nito?
"Tawagin mo siyang anak natin. Huwag mong angkinin."
This time, ako ang nagpatalo. Ilang taon kong pinagkait ang anak ko at pati ba naman pagtawag na kay Lucas na kanya ay ipagkakait ko rin? Bumuga ako ng malalim na hininga at tumango sa kanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa matunton namin ang elevator. Walang umimik sa aming dalawa. Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lucan.
"He suffered too, Denise."
Natuptop ang dila ko sa sinabi niya. Hindi ko nakuha ang sinabi niya pero noong inisip kong mabuti, doon ko lang nakuha. So I wasn't the only one who suffered all along. He did, too. Hindi ko man alam kung anong pinagdaanan niya sa mga nakaraang taon ay ramdam kong hindi madali iyon.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.