CHAPTER 37

7K 83 9
                                    

She continued applying sunblock on her body and I started mine too. Sinimulan kong lagyan ang leeg ko pababa sa mga binti ko.

"You done?" tanong ni Honeylette na inaayos na ang ginamit niyang sunblock.

"Yeah."

"Tara na!" sabik niyang sambit. Pero bago kami tuluyang lumangoy ay tumingin-tingin muna ako sa paligid baka nandiyan lang si Luca.

Taka niya akong tinignan at nagsalubong ang mga kilay. "What are you doing?"

Nang masigurong wala siya ay tumigin ako kay Honeylette. I like her name. Honey for short, huh. Kaya nalito rin ang bata sa pagtawag ng Honey sa kanya. She misunderstood her dad calling her honey.

"Wala. Baka may demonyo sa paligid." I smiled innocently at her before standing up. "Tara na."

She pulled me excitedly. Gone the bitchy Honey. Nagpahila na lang ako sa kanya papunta sa dagat.

Binitawan niya ako at mag-isang nagtampisaw sa tubig. We enjoyed swimming and not minding the time. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming lumalangoy.

I even played with the sand. I like playing with it, really.

Kahit saan ako lumingon ay may mga lalaking nakatingin sa'kin. Kung hindi naman sa'kin ay kay Honeylette. Hinayaan ko na lang sila. It's not against the rules Luca has mentioned. Just don't talk to them and don't flirt with them. That's it. Wala naman sa listahan na hindi sila pwedeng tumitig sa'kin.

Nang tumalikod ako ay napansin ko ang isang lalaking nakatitig lang sa amin ng malamig. Pero labas na labas ang galit at inis sa mukha nito.

Hindi siya sa'kin nakadirektang nakatingin kundi kay Honeylette. Tumingin ako kung nasaan si Honeylette na natigilan.

"Aalis na ako, Honeylette! Nice swimming with you!" Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng mabilis. Baka biglang dumating din si Luca.

"Don't leave me here, bitch!" I waved my hand at her not minding her annoyed face.

That's not my problem. Face your concequences, Honey. Mabilis akong naglakad papuntang hotel building na palingon-lingon sa paligid. Meron pa ngang nagtangkang kausapin ako pero dahil sa nagmamadali ako ay hindi ko sila binigyang pansin.

I managed to get in our room without bumping to Luca. I was thankful when I didn't see him in our room. Mabilis akong nagbihis dahil baka madatnan niya akong ganito ang suot.

Seconds later, the door of our room opened. It revealed Luca's cold face. He didn't talk when he get in and just gazing at me intently.

"Lumangoy ka?" blangko ang boses niya.

I nodded hesitantly trying to read him. He seemed doesn't know. "Yeah."

"Did you enjoy it?" blangko pa ring tanong niya. Hindi ko mabakas kung anong emosyon ang nakapaibabaw sa boses niya pero it creeps me out. I felt like something is up.

"Oo naman. Masayang kasama si Honeylette," I honestly said. Pinagmamasdan ko siya ng maigi pero hindi siya nagpatinag at tinago talaga niya ang emosyon niya.

"Ah. Did you enjoy showing off your body too?" sarkastikong tanong niya. So he knew. Hindi na ako nag-abalang magsinungaling. His cousin probably told him. "Bakit hindi ka na lang naghubad?"

"I'm actually thinking of doing it," mahina kong usal. Damn. I almost slap my mouth for blurting that out. Sa isip ko lang sana 'yon, e.

Nagtagis ang bagang niya at hindi na niya tinago pa ang galit niya sa'kin. Sinasabi ko na nga ba. Magagalit talaga siya. Tangina naman. Hindi naman siya ang nagsuot, a. Hindi naman siya ang mababastos kung sakali. Kung magalit siya parang gumawa ako ng malaking kasalanan sa kanya.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon