Kinabukasan ay ako ang naunang nagising. Mahigpit ang hawak ni Luca sa baywang ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. Ayaw kong magising siya.
Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa'kin at dahan-dahan din akong bumangon. Ingat na ingat ako sa paggalaw para hindi siya magising.
Nakahinga ako ng maluwag nang nagtagumpay akong tanggalin ang braso niya at hindi siya nagising. Plano kong tumakas ngayon at kailangan kong siguraduhin na tulog siya kapag ginawa ko na ang plano ko.
Dahan-dahan akong naglakad at pasulyap-sulyap sa kanya dahil baka bigla siyang magising. Kinuha ko ang cellphone ko bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto ng tahimik.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ako sa kwarto niya. Hindi ko na kukunin ang mga gamit ko dahil ilang damit lang naman 'yon at karamihan sa mga ginagamit ko ay binili niya.
Inayos ko muna ang suot kong sweater at pantalon bago naglakad papuntang pintuan palabas ng condo ni Luca. Nang binuksan ko ang pintuan at nagulat ako nang may bumungad sa'kin pagkabukas ko. Sa tuwing nakikita ko siya ay parang si Luca ang kaharap ko. They indeed look alike so much but their eyes differ them and the hair.
Lucan's hair is shoulder length at laging nakabun sa tuwing nakikita ko siya. Kaya malalaman mo talaga sa kanila kung sino sila.
May gulat ding nakapaskil sa mukha niya pero agad niya ring binura ito. Tinignan niya ako ng nagtataka.
"Going somewhere?" hindi ako makasagot sa tanong ng kambal ni Luca.
Nagsalubong ang mga kilay niya at biglang ngumisi nang tumingin sa likuran ko. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil ramdam ko ang ibang presensya sa likuran ko at alam kong si Luca 'yon.
Napapikit ako ng mariin. Tangina. Ba't ba kasi nandito ang kapatid niya? I mean, ang aga-aga pa para pumunta siya rito. Dibale na, may gabi pa naman.
"Denise."
Hindi ko pinahalata ang kaba ko at lumingon para maharap si Luca. May bahid ng galit ang boses niya pero pilit niyang pinapakalma 'yon.
Seryoso at malamig siyang nakatingin at tinignan ko lang siya ng inosente. Iniwas niya ng bahagya ang tingin sa'kin para matignan ang kakambal niya at tinanguan.
Pumasok si Lucan at tinapik pa si Luca sa balikat bago tuluyang pumasok. Nang bumalik ang tingin niya sa'kin ay nginitian ko siya ng matamis. I know I'm already caught on the spot. Pero puwede pa rin naman yatang takpan, 'no.
"You're going out?" Nagtagis ang bagang niya at tumalim ang tingin niya sa'kin.
"Yeah. Tatakasan sana kita," normal kong sabi.
What's the use of lying anyway? Huling-huli na ako, magsisinungaling pa ba ako? Nah. I better admit it than lying.
"Better luck next time, then." Sinara niya ang pintuan saka nagsalita ulit. "Go to the kitchen, I'll cook."
Umirap lang ako at sopistikadang naglakad patungong kusina. Fuck this! Sigurado akong hihigpitan niya ang pagbabantay sa'kin lalo na at nalaman na niyang may balak na akong tumakas.
Fuck that Lucan! Buti sana kung nakaalis na ako saka siya dumating. Ang malas.
Naupo na si Lucan sa isang high stool sa kusina nang maabutan ko. Abala siya sa cellphone niya. Nakasunod lang si Luca sa likod ko.
Umupo ako sa isang high stool na kaharap ng kay Lucan. Hindi kami nagkausap kahit ilang segundo lang ni Lucan kaya kuryoso ako sa ugali niya kung pareho rin ba kay Luca. You know same feather, flocks together.
"Why are you here?" tanong ni Luca na abala na sa paghahanda ng kanyang lulutuin.
"Nothing much. Gusto lang kitang kumustahin." Binaba ni Lucan ang cellphone niya at tumingin kay Luca. Nang bumaling sa'kin ang kanyang tingin ay ngumisi siya.

BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.