Naabutan ko si Lucan na maglalakad na sana pataas pero tumigil din ng makita ako.
"Dala mo ba?" pagtatanong ko.
Walang emosyon ang mukha niya. Masasabi ko talagang mas malamig siya kaysa kay Luca. Tumango siya at tuluyan akong bumaba ng hagdan.
Inabot ko ang hawak niyang maliit na paper bag. Tiningnan ko ang nasa loob at nakitang puro gamot ang nasa loob.
"Salamat."
"Denise!" Napatingin kami sa itaas ng marinig ang malakas na sigaw ni Luca.
Takang nakatingin si Lucan sa akin pero binalik din ang tingin sa itaas. Dali-daling bumaba si Luca. Ni hindi pa nga siya nakadamit. Tuwalya lang ang tumtakip sa hubad niyang katawan.
Kumalma ang mukha niya ng makita ako. "Denise, I thought you left again."
"Tiningnan ko lang kung sino ang pumasok." Lumapit siya sa'kin at hinila ako sa baywang.
"You scared me," bulong niya at mas idinikit niya ako sa katawan niya.
Bumaling ang tingin niya kay Lucan at tinanguan ang kambal.
"Alright. Aalis na ako. Hinatid ko lang ang gamot," malamig na saad ni Lucan.
"Thanks, Lucan." Tumango lang si Lucan kay Luca bago tumingin sa akin at ibinalik kay Luca.
Pinanonood namin siyang umalis. Nang makaalis ay biglang yumakap sa'kin si Luca.
"What is it?" I rubbed his bare back. I felt his hot breathe on the side of my neck.
"I thought you left again."
I continued rubbing his back. "Sige na. Uminom ka na muna ng gamot."
Unti-unti siyang lumayo sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang itinataas ang mga kamay ko bago niya iyon pinatakan ng maliliit na halik.
"I promised not to be rough again," nangsusuyong sambit niya.
"I don't mind the roughness. Sige na. Magdamit ka na muna. Baka lamigin ka," utos ko sa kanya sa malambing na paraan.
"Sama ka sa'kin." He drew invisible circles on the back of my hands.
"Luca, hindi ako aalis. Sa susunod ulit siguro." Natawa ako nang nalukot ang mukha niya. "Kidding. Come on. Sasamahan na kita."
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Parang takot na takot talaga siyang mawala ulit ako. Ang sarap sa pakiramdam na may natatakot na mawala ako. I never felt like this before. Even with my exes.
"Where did you go when you left?" tanong niya habang nagbibihis. "Wala ka sa apartment mo at wala ka ring mga kaibigan."
Nakaupo ako sa kama niya habang pinapanood siyang magbihis. Hindi ko iniwas ang tingin sa kanya habang nagsusuot ng t-shirt.
Tumayo ako at lumapit sa closet niya. "Nakitulog muna ako sa condo ni Mason."
Kumuha ako ng sweater mula sa closet niya bago humarap sa kanya. Hindi na maipinta ang mukha at madilim na rin ang mga mata niya nang humarap ako.
Napatigil ako at napabuntong hininga. "Natulog lang ako sa condo niya. Nothing more."
Lumapit ako sa kanya at isinuot sa kanya ang sweater na kinuha ko sa kanyang closet. Hindi siya nagsalita habang sinusuot ko sa kanya ang sweater.
Tinaas niya ang mga braso niya at ipinasok sa magkabilang butas ng sweater.
"Kahit na. Nakitulog ka pa rin sa bahay ng ibang lalaki," reklamo niya. Hindi ko mabakas ang galit sa tinig niya pero mababakas ang inis doon.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.