CHAPTER 35

11.7K 134 12
                                    

"Upo ka." Iginaya ako ni Lyte sa bankanteng upuan na katabi ng lalaking may buhat na bata.

He's already observing my every move. Hindi ko siya binigyang pansin at hinayaan siya. Nakatingin na sila lahat sa'kin na medyo ikinailang ko. Hezekiah is just smirking so does Lucan. Si Ezekiel ang walang emosyon habang nakatingin sa'kin.

Bumaling ako kay Gideon na parang wala sa sarili. Mukha siyang problemado. I averted my eyes somewhere pero ang tingin ng babaeng katabi ng lalaking may buhat na bata ang nakasalubong ko. She raised her eyebrows and I did the same thing. She looks like a bitch.

"Look, daddy, she got a long hair," rinig kong bulong ng batang babae sa kanyang ama na katabi ko lang. Iniwas ko ang tingin sa babae at tiningnan ang bata. She's wearing a cute blue dress at hanggang baywang ang buhok. She's cute.

"You've got long hair too," sabi ng kanyang ama.

Sa tingin ko ay mas matanda siya kaysa kila Luca at ibang mga pinsan niya. Tiningnan ko ulit 'yong batang babae at nilipat sa babaeng nakatingin pa rin sa'kin. They are not look alike. Pinsan din ba nila 'to?

I felt a hand caressed my back. I looked back and saw Luca seriously looking at me. Pinaalis niya ang kambal niyang katabi ko sa kanan at siya ang umupo roon.

Iniwas din nila ang mga tingin nila sa'kin at bumalik sa pinag-uusapan nila kanina nang wala pa ako.

"Hi, can I touch your hair?" matinis na boses ng bata ang narinig ko sa kaliwa ko.

Noong tumingin ako sa kanya ay hindi na siya nakakandong sa kanyang ama. Sinulyapan ko ng bahagya ang ama niya at nakitang nakikipag-usap ito sa babaeng katabi.

Mangha siyang nakatingin sa'kin at malawak ang ngiti. I'm not fond of kids but she's too cute to resist.

"Of course. What's your name?" I smiled back to her.

Sinakop ko lahat ng buhok ko at nilagay sa kaliwang balikat ko para mas malapit ito sa kanya. I let her touch my hair. Hindi straight ang buhok ko. Sa dulo lang ito kulot.

Yumuko ako para maabot niya. Ang liit niya. She's around three or four I think.

"My name is Adeline Khione Salvatore and I'm 3," masayang sagot niya at hindi mawala-wala ang malawak na ngiti niya habang hinahawakan ang buhok ko.

"You have a nice hair," komento ko na ikinaangat ng tingin niya sa'kin.

Sabik siyang tumingin sa'kin at napatakip pa sa kanyang bunganga ang maliit niyang kamay. "Really? My dad's honey said my hair is ugly." She pouted that made her really cute.

Mahina akong napapisil sa pisngi niya. Kung sino man ang ina niya, ang ganda siguro.

"Oh, she must be blind, huh."

Tumalima ang mukha niya. "No. She has two eyes."

Of course, I know. I'm just kidding. Sino namang sasabihing pangit siya? Ang cute kaya niya.

"Excuse me, are you talking about me?" boses ng isang babae 'yon.

Mabilis na tumingin sa kanya si Adeline at nagsalita. "Uhmm... It's not about bad things about you."

Mahinhing sagot ni Adeline na parang pinag-iisipan ng mabuti ang sinasabi.

Wala na ang ama ni Adeline sa kinauupuan niya at hindi ko napansin kung saan nagpunta.

"Denise?" I looked at my right side and saw Luca looking at me. I raised my eyebrows. "Are you okay?"

I just rolled my eyes at him and nodded. Binalik ko ang atensyon kay Adeline na kinakausap na ang babae. She looks like she doesn't like the kid.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon