CHAPTER 11

14.2K 190 11
                                    

Nang marinig ko ang sinabi niya ay kumaripas na ako ng takbo paakyat. Hindi ko na siya pinansin pa at dali-daling tumakbo.

"Denise!" sigaw niya pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Paulit-ulit pa niyang sinigaw ang pangalan ko pero hindi niya sinubukang habulin ako. Malakas kong sinara ang pintuan nang makapasok ako sa kwartong tinutuluhgan ko. Hinihingal akong sumandal sa pintuan at humagalpak ng tawa.

Oh my gash! Yung reaksyon niya nakakatawa. Halatang bitin na bitin. Buti na lang at nakatakbo na ako bago pa siya may magawa sa'kin.

Hindi ako matigil sa kakatawa. Mission success. Pero ang problema ko lang mamaya ay kung paano ako kakain. Siguradong hindi niya palalagpasin ang ginawa ko sa kanya.

Palipasin ko muna siguro ng ilang oras bago ako lumabas. Inabala ko muna ang sarili ko sa cellphone ko. Nakakonek na rin naman ito sa internet dito.

Hindi ko na napansin ang pagdaan ng oras dahil sa paglalaro ko ng cellphone. Uminat-inat ako nang magsawa ako kakaselpon. Mag-aalas otso na pala.

Bago ako bumaba para kumain ay kinuha ko muna yung manipis na kumot. Hindi niya ako pwedeng makita na ganito pa rin ang suot. Wala na akong maisusuot na damit kaya itong kumot na lang ang gagamitin ko.

Inayos ko ang kumot at pinalibot sa katawan ko. Itanali ko ito sa batok ko para hindi mahulog kapag naglakad ako. Hindi natakpan ang parte ng katawan ko sa likod pero tinatakpan naman ito ng mahaba kong buhok. Wala na ring balat ng katawan ko ang makikita. Maliban na lang sa dalawang braso ko. Hindi ito matakpan ng kumot pero siguro naman hindi siya tatayuan sa braso lang.

Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tinignan kung nasa labas ba siya. Nang hindi ko siya makita ay dahan-dahan din akong humakbang. Tinignan ko muna siya sa baba mula sa taas habang parang tangang hindi gumagawa ng tunog.

"What are you doing?" Mabilis akong lumingon ng marinig ang malamig at mababa niyang boses.

Ba't hindi ko siya naramdam sa likod ko? Medyo malapit siya sa'kin pero sapat na 'yon para maramdaman ko ang presensya niya.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin at biglang ngumisi. Napadiretso ako ng tayo at hindi alam ang sasabihin.

"Why are you wearing that?" He smirked and looked at me again. "Scared that I might bang you?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Wow. That was straight forward.

"Anong pinagsasabi mo? Wala na akong damit," I frowned.

"Well, what did I say the last time you did that to me?"

"Anong sinabi? Wala ka namang sinabi," maang kong saad.

Humakbang ako paatras nang maglakad siya palapit sa'kin

"Hep! Diyan ka lang!" nagpapanik kong sigaw.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kumain na tayo."

Tinalikuran niya ako at naglakad na pababa ng hagdan. Hindi ako nakagalaw. Akala ko ano na. I sighed in relief. At least he didn't do anything.

At ano raw? Kakain na kami? Hindi pa siya kumain?

"Tatayo ka na lang diyan?" inis niyang tanong at nilingon ako nang nakataas ang kilay.

"Hindi. Tatayo ako doon," pilosopong sagot ko at lumapit ulit siya sa'kin para hilahin.

Nagpatianod ako at sumunod sa kanya habang hila-hila ako.

"Alam mo, pwede mo na akong bitawan at kaya ko ng maglakad nang hindi mo hinihila." Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa kusina.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon