CHAPTER 29

11.8K 141 20
                                    

Kinuwento ko kay Mason ang nangyari pero pili lang. Hindi ko sinabi sa kanya na kinulong ako ni Luca. Sinabi kong binahay niya lang ako for months. Which I never did before. Hanggang kama lang ako. Hindi ako nagpapabahay at nagiging exclusive. Mostly kasi sa mga kasama ko ay nagpapabahay sa mga sugar daddies nila. 'Yung iba naman ay FUBU.

"So, you live with him for months?"

"Yeah. And I'm currently hiding right now because I was accused of robbing him," pagsisinungaling ko. I can't find the right words to tell him.

Might as well lie to him. And heck, I have all the rights to keep what happened.

"Oh, right. I get it."

"And Mason..." He looked at me. "I need clothes."

"I'll take care of it. Wait here." He smiled and stood up.

"Thanks! You're the best!" I said cheerfully.

"Of course. No problem."

Pinanood ko siyang umalis at humiga ng tuluyan sa couch sa living room. Pagod ako.

What now? Hindi ko na alam kung anong mangyayari. Kung saan ako magsisimula. Hindi rin naman ako pwedeng bumalik sa bar dahil baka naghahanap si Luca roon. Natanggal na rin ako sa fast food na pinagtatrabahuan ko. Saan na ako pupulutin?

Kailangan kong maghanap ng ibang pagtatrabahuan. Magtatanong na lang siguro ako kay Mason kung may alam siya. Sigurado naman akong tutulungan ako nu'n.

Ilang minuto akong nakatunganga sa kisame habang naghihintay. Pagkatapos kumain ay tinadtad ako ni Mason ng mga tanong. Sinagot ko naman 'yon ng mga kasinungalingan. Hindi ko kasi masabi sa kanya ang totoo.

Suot ko na ang damit na binili ni Mason sa'kin. Hindi ko siya mautusan na kumuha na lang sa apartment ko. I can't risk it. Baka nandun si Luca at hinihintay pala ako.

Ang iniisip ko lang talaga ay bakit naman ako ikukulong ni Luca? At bakit naman niya ako hahanapin kung nawawala ako? Sino ba ako sa kanya? Kung ako siguro siya ay hindi ko na hahanapin pa ang babaeng kagaya ko.

Kung tungkol lang naman pala sa sex ay kayang-kaya niya iyong magawa ng hindi ako ang kasama. Sa itsura niya ay marami siyang makakamang babae sa ngisi pa lang niya. Kaya bakit ako pa? Hindi kaya may alam siya tungkol sa'kin? Posible 'yon pero kung gano'n nga, edi sana nilayuan na niya ako umpisa pa lang.

Ang gulo. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Ginulo ko ang buhok ko sa inis. I can't think of something.

Kinagat ko ang dila ko at pabalik-balik ang lakad. Sa pag-iisip pa lang na may alam siya sa'kin ay nagpapanik na ako.

Natigil ako sa pagbabalik-balik ng lakad nang bumukas ang pintuan ng guest room ni Mason. Dito na muna ako matutulog pansamantala.

Nag-angat ako ng tingin ng makita siyang pumasok sa loob. "May kailangan ka ba?"

Hindi siya nagsalita at pinasadahan lang ako ng tingin. I'm wearing a loose shirt and shorts. Hanggang kalahati lang ng hita ko. Hindi na ako nagreklamo dahil ayos lang naman sa'kin ito.

"Hindi ka pa matutulog?" Bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

Gwapo si Mason at meron siya ng mga bagay na gusto ng mga babae. 'Yon din ang nagustuhan ko sa kanya noon pero hindi ko talaga gusto ang pagiging seryoso at seloso niya.

"Hindi ako makatulog." Pinagkrus ko ang mga braso ko at ang mga binti ko.

"Want to do something?"

Ngumisi siya at may pinapahiwatig ang ngisi niyang iyon. I smirked. "Why not?"

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon