CHAPTER 68

9.5K 134 32
                                    

Hinatid ko si Rylee pagkatapos nu'n at sumali sa inuman nina Hezekiah. I don't know what to think anymore.

So she's that kid after all. Fuck. Naiinis ako sa sarili ko. I know I was attracted to her when I saw her. Hindi ko lang masyadong inisip dahil may girlfriend ako that time. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip.

Kung ano-anong mga tanong ang pumapasok sa utak ko. Bakit siya umalis noong namatay ang umampon sa kanya?

How did she ended up being a prostitute? Hindi ko maisip kung anong nangyari sa kanya.

Madaling araw nang magdesisyon akong bumalik sa kwarto naming dalawa. Pagpasok ko pa lang ay alam ko nang wala si Denise. Taranta kong hinalughog ang buong kwarto pero wala siya.

I even disturbed Hezekiah and Lyte to help me find her. Mas lalo akong nainis sa sagot ng gwardiya na nagbabantay.

"Are you doing your job well? Paanong wala kang nakitang babaeng lumabas?"

"Pasensya na po, Sir pero hindi ko talaga nakita ang babaeng tinutukoy mo."

Kinuwelyuhan ko siya sa sobrang inis. "You!" Pinigilan agad ako ng dalawa.

Pero nang marinig ko ang pangalan ko sa pamilyar na boses ay mabilis akong napalingon para hanapin iyon. Kumalma ako nang makita siya.

Lumapit agad ako sa kanya. "Denise, where have you been?" I asked. Hinila ko agad siya sa batok at baywang para yakapin.

Nawala lang ako saglit, nawala rin siya. Pinatong ko ang baba ko sa ulo niya at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Tangina. Ginising pa ako ng maaga. Hindi naman pala nilayasan," rinig kong reklamo ni Hezekiah. Kasisimula pa niyang matulog pero ginising ko agad sila.

I panicked when I didn't see her anywhere. I thought she left me again.

"Parang hindi ka ganyan noon, a. Mas malala ka pa sa kanya, gago," si Lyte na tinulak si Hezekiah. Hindi ko sila pinansin at hinayaang mag-asaran.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka nanggaling?" muling tanong ko.

"Diyan lang. Nagising ako at hindi na makatulog kaya naglakad-lakad na lang ako," tugon niya sa masuyong boses.

I hate about my engagement to Rylee. I told mom I don't want to marry her but she keeps pushing me with it. Si dad na laging si mom na ang sinusunod ay naiinis na rin ako.

I don't fucking want to marry her. Kahit ilang taon din ang pinagsamahan namin ay hindi ko nakita ang sarili kong pakakasalan siya.

Kahit anong sinabi nila na iwan ko si Denise ay hindi ko ginawa. I kept owning her because she belongs to me.

"Sigurado ka ba talaga kay Denise?" I looked at her coldly. Ano na naman ito? "What if I'll show you something?"

Nakataas ang gilid ng labi niya na parang natutuwa sa ginagawa. I didn't talk and rolled my eyes. Tatalikuran ko na sana siya dahil wala akong oras sa mga ganyan niya pero hinila niya ang braso ko.

"Wait!"

Matiim kong pinikit ang mga mata sa inis. "What is it, Rylee?"

Nilabas niya ang cellphone niya at may kung anong kinalikot doon. Bigla siyang ngumisi at hinarap ang cellphone niya sa'kin.

Tinitigan ko muna siya bago tumingin sa cellphone niya. Habang tinitignan ang photo ay unti-unti kong nakilala kung sino iyon.

Hindi ko namalayan na tumagis ang bagang at kumuyom ang kamao ko doon. How could she. Hindi lang iyon iisang photo kundi marami. I don't know where she got that but it made me mad, so mad.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon