"Wala na rin naman akong maitatago." Hindi pa rin ako umaahon sa pagkakahiga ko.
"Even so. You shouldn't just show your underwear," iritadong saad niya.
Hindi na ako nagsalita at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang akong nasa loob na ng guestroom na tinutulugan ko sa condo niya.
Suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Hindi na ako nag-abalang magbihis. Nagsipilyo lang ako at nagdesisyong bumaba na. Gutom na ako. Hindi ako kumain ng hapunan kagabi.
Naabutan kong may kausap si Luca sa living room.
"Okay. Yes. Do it and give it to me after." Tumango tango siya sa kausap niya sa telepono. "Okay. Thank you."
Tumingin siya sa'kin sabay baba ng telepono niya.
"Let's eat and you're coming with me today." Tinalikuran niya ako at naglakad papuntang kusina.
"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.
"I want you to come with me."
Ako ba, gusto ko?
"Saan ang tinatanong ko. Saan, Luca. You want me translate it in English? I'm asking where." Lumipad ang palad ko sa bunganga ko nang namalayan kong nagsalita ako sa lenggwahe ayaw ko.
"What are you doing?" tanong niya nang mapansin ang ginawa ko.
Dahil sa kanya nakakapagsalita ako sa lenggwaheng Ingles! Sa higit isang dekada, ngayon lang ulit ako nakapagsalita sa English.
"Nothin-Wala!"
"We're going to my company," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Gano'n siya kayaman?
"May sarili kang kompanya?" Tango lang ang isinagot niya sa tanong ko.
Sa pagkakatingin ko sa kanya ay ang bata pa niya para magkaroon ng sariling kompanya. Mga nasa forties nga yung naencounter kong may mga sariling kompanya pero siya, parang nasa late twenties.
"Kapag ba nagtrabaho ako doon, malaki ang sweldo ko?" I'm not really expecting it that way. Bwesit.
Hindi ko 'yon naisip dahil alam kong wala akong pinag-aralan kaya mababa rin siguro ang ibibigay niyang trabaho. He said assistant will do. I don't know if assistants do have a high salary.
Pinigilan ko ang sarili kong mapamura. Sabing ayoko magsalita niyan.
Depende na lang kung anong klaseng assistant.
"Depends how you work." Gano'n ba 'yon? Hindi ko naman naranasang maging assistant kaya hindi ko alam. Siguro nga gano'n.
Pumayag na lang ako dahil alam kong wala akong gagawin ngayong araw. Tinanggal na ako sa trabaho ko sa fast food restaurant dahil marami na akong absent. Wala namang kaso sa'kin 'yon dahil baka tatanggapin ko yung alok ni Luca.
Nag-ayos na ako pagkatapos naming kumain.
Luminga-linga ako sa loob ng kompanya niya nang makapasok ako. Pagpasok pa lang namin ay nakuha na namin ang atensyon ng mga tao sa loob. Mapaempleyado man at hindi. Binabati nila si Luca pero nilagpasan niya lang ang mga ito.
"Follow me." Sinundan ko lang si Luca habang tumitingin-tingin sa paligid.
Nang makapasok kami sa elevator ay pinanood ko lang siyang pindutin ang 40th floor. Ang taas ng building kaya hindi talaga ako makapaniwalang may ganito siyang kompanya.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa opisina niya.
"Wow. Is this your office?"
Fuck English. Napapikit ako ng mariin.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.