CHAPTER 60

10.9K 121 2
                                    

Mas pinili ni Luca na sumakay ulit kami sa eroplanong pagmamay-ari niya. It will take a long time kapag sasakay kami ng sasakyan.

"Lucas, come here," I called Lucas with his father talking with one of his people.

Inosenteng tumingin sa'kin ang anak ko at lumapit din sa'kin. Hinintay naming matapos si Luca sa pakikipag-usap sa tauhan niya. Tumitingin-tingin siya sa amin habang nakikipag-usap.

Tumango siya sa kausap bago lumapit sa amin. Kinuha niya sa'kin si Lucas at siya na ang nagbuhat. Kinuha ko ang maletang dala namin.

"Let's go."

"Daddy, we're going to ride that airplane?" tanong ni Lucas habang turo-turo ang eroplanong malapit sa amin.

"Yes, buddy."

"Really?" my son said excited. "Mommy, we're going to ride airplane!"

Napangiti na lang ako sa asal ng anak ko. It's his first time after all. Kaya ganyan siya makareact. That's my reaction before too.

Pumasok na kami sa loob ng eroplano at sobra ang pagkasabik ni Lucas. Tingin siya nang tingin sa paligid tapos mamamangha.

"Daddy, bakit po wala pong tao?" takang tanong ni Lucas sa maliit na boses.

"It's a private plane, buddy," sagot ni Luca.

"What does it mean po?" Kinuha ni Luca si Lucas para buhatin. Nagpumilit siyang bumaba kanina para maglakad-lakad.

"This plane is ours."

Lucas got amaze more. "Really, daddy? It's ours."

"Yes."

"That's cool!"

Binigay sa'kin ni Luca si Lucas para ayusin ang dala naming maleta. Hindi iyon kalakihan kaya nagkasya iyon sa lagayan ng mga gamit sa itaas.

Umupo kami sa three seater seats para sa aming tatlo. Agad na agad umupo si Lucas sa gilid ng bintana to see the view outside. Inayos ko muna ang suot niyang damit na nagusot na sa kalikutan niya.

Nakangiti akong nakatingin kay Lucas. I'm happy that he's happy. Nakuha lang ni Luca ang atensyon ko nang maramdaman ko ang palad niya sa hita ko. I looked at him looking at Lucas too.

He caressed my thigh lightly. I let him rest his hand on my thigh. I know he can't do anything with Lucas here. At hindi ko rin siya papayagan. We already did it earlier this morning, and we had three rounds. Don't tell me he wants more?

Hindi na ako magtataka kung gusto pa niya. His stamina is no joke. Sumandal ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. Konti lang ang naitulog ko kagabi because of Luca. Anong oras na rin kami natapos. And he took me again earlier. This man.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Denise, we're here," rinig kong bulong ni Luca.

"Mommy, wake up."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. I slightly moaned.

"We're here?" mahinang tanong ko.

"Yes, mommy. Mommy, I saw many clouds, mommy." Natawa ako sa sinabi ng anak ko. Ang daming mommy sa sinabi niya.

"Really?"

I looked at Luca. Nagtaka pa ako ng inginuso niya ang buhok ko.

"Tie your hair," sabi niya nang hindi ko nakuha ang pinapahiwatig niya.

Kumandong sa'kin si Lucas kaya hindi ko nagawang itali ang buhok ko.

"Where's your hair tail?"

What a word. Inilahad ko kanya ang kamay ko kung nasaan ang pantali. Kinuha niya iyon.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon