CHAPTER 16

8.7K 123 14
                                    

Nakatitig lang ako sa salamin ng restroom. Tinitigan ko ang sarili ko. Hindi ko maalis ang mukha ng babae sa isip ko. Naaalala ko sa kanya ang sarili ko noon. I've been there before but we have differences while going through that shit.

She masked herself and pretended to be fine. While me, I isolated myself to everyone.

I can see through her eyes that she's depressed. Depressed people have the thought of killing their selves and that makes them a suicidal person.

It's not that they want to end their lives. They want to end their pain, their struggles. They want to be in peace. And I fucking want that, too.

I want to be in peace. I want to be free from my past. I want to live a normal life. I don't even deserve death.

The world is cruel and unfair, so as life.

Whatever that girl is going through, I hope she will get pass through it.

I laughed bitterly. I can't even do that. Why wish for others to do it. Nababaliw na yata ako.

Is it bad to wish for others? If it is, I don't mind wishing for their betterment. I want to wish for her because no one ever did that to me. And I don't want that to happen for other people like me.

I suffered enough. Ayos na rin siguro 'yon para hindi na pagdaanan pa ng iba. Yes, we have our own pain, struggles and challenges. And you think what happened to me were my challenges? They were too much.

I never thought of it that way, because what had happened to me was a punishment.

Tumango-tango ako para kumbinsihin ang sarili ko. Namumuo ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan kong tumulo.

I don't want to cry anymore. I cried enough.

"What took you so long?" seryoso at nagtatakang tanong ni Luca nang makalabas ako.

"Isang drum siguro yung inihi ko," pilosopong sagot ko.

Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa niya ako.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Let's go."

"Huwag mo nga akong hawakan." Tinabig ko ang braso niya nang akmang ipupulupot niya sa beywang ko.

"Denise," may pagbabantang sambit.

"Hindi naman ako tatakbo," inis kong sumbat.

He's annoying me. Kailan ba niya ako hindi ininis?

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at walang pasabi niyang pinulupot ang braso niya sa beywang ko saka hinila.

"Hoy!" pasigaw kong tawag sa kanya nang natangay ako.

Hindi matigil ang reklamo ko habang naglalakad kami. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko.

"Nakakatangina ka talaga, 'no." Natigil ako sa pagrereklamo nang tumigil si Luca sa paglalakad.

Nagtataka ko siyang tinignan nang mapansing may tinitignan siya. Tumingin ako sa tinitignan niya.

Si Gideon na may dalawang kasuntukan. Napakapit ako sa laylayan ng damit ni Luca habang pinapanood kung paano bugbugin ni Gideon ang dalawang lalaki.

Naramdaman ni Luca ang paghigpit ng kapit ko sa damit niya kaya mas hinila niya ako palapit sa kanya. Hindi ako sanay na may nakikitang nag-aaway sa harap ko.

Kaya nang hindi ko nakayanan ay yumakap ako kay Luca at sumubsob sa dibdib niya. Hindi ko na naisip pa ang disguto ko kay Luca. Naramdaman kong mahigpit niya akong niyakap pabalik.

Ramdam ko ang hininga niya dahil pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. Hinihimas niya ang buhok ko na para bang inaalo ako.

"They're gone." Unti unti akong lumayo sa kanya nang sinabi niyang wala na sila.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon